Chapter 21

36 7 0
                                    

Alyanah POV
Tumakbo lang ako palabas ng condo ni Louie. At paglabas ko ng building ay sumakay agad ako ng taxi. Hindi ako sigurado sa pupuntahan ko pero ito agad ang pumasok sa isip ko, ang kausapin si Matthew. Alam kong hindi niya ako masasagot pero gusto ko ilabas ang mga gumugulo sa isip ko. Mabuti na lang at may naipit akong pera sa bulsa. Habang bumabyahe ay abala ako sa pag aalala ng nakaraan namin ni Uli hanggang sa mga pangyayari kanina. Hindi ko alam kungano at sino ang totoo at kung tama ang mga hinuha ko. Hindi ko namalayan ang tagal at haba ng byahe hanngang sa marating ko ang sementeryo kung saan nakalibing si Matthew. Bumili ako ng kandila sa tinderang nagtitinda sa gate ng sementeryo.
Nang nasa harap na ako ng puntod ay walang malay akong napaupo at tila hinang hina. Napapatitig lang ako sa pangalan ng puntod niya.
'Matthew Salazar'
Ilang minuto akong nakipagtitigan sa puntod niya at Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng mga pisngi ko.
"Matthew naririnig mo ba ako ?"
Natawa ako ng mahina sa sinabi ko paano nga ba ako maririnig ng taong patay na.
"Pumunta ako dito para lang daldalan ka, naguguluhan na kasi talaga ako. Hindi ko alam kung assuming lang ako o totoo ba talaga ang mga iniisip ko. Matthew ano ba ang nangyayari ? Coincidence lang ba ang lahat na pareho kayo ni Louie ?"
"HAHAHAHA, baka naman sinasaniban mo lang si Louie ? nakuu tantanan mo na ang katawan niya."
Parang baliw na pakikipagbiruan ko sa kaniya.
"Pero Matthew gustong gusto ko malaman ang sagot dahil pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong malapit sa akin. Pinaglihiman niya ako ng matagal na panahon at hindi ko na malalaman ang sagot dahil wala na siya. Ang hirap naman ng ganito uli."
Napatigil ako sa nabanggit ko.
"Kung si Uli ka nga ba talaga ? nakakatawang ngayon pa kita pinagdudahan kung kailan wala ka na dahil lang sa nakita ko kung anong meron ang Louie nay un. Pagpasensyahan mo na ako, gulong gulo lang talaga ako."
At napayuko na lang ako sa pagitan ng mga tuhod ko at doon humagulgol ng iyak.

"Gulong gulo na ako parang mababaliw ako sa kakaisip at kakahula. Parang nagsasagot ako ng isang exam na kahit isa ay hindi ko pinagaralan."

Muli kong itinaas ang ulo ko at tinignang muli ang puntod niya. Nanlaki ang mata ko nang mapansin ko ang isang maliit na paso ng bulaklak. Kinilabtan ako bigla.

'Matthew minumulto mo ba ako?'

Dahan akong lumingon sa aking likuran at nakita kong may tao na nakatayo sa likuran ko. Dahan dahan akong tumingala. Isang babae na hindi masyadong katandaan na sa panahon pa rin naman nang pagpupustura. Agad kong pinahid ang mga luha sa pisngi at yumuko. Ramdam ko namang naupo sa tabi ko ang babaeng dumating. Tumingin ako sa kaniya at tinignan niya din ako nginitian isang ngiting masaya pero sa bakas ang lungkot sa mga mata. Ginantihan ko din siya ng ngiti.

"Ikaw siguro si Yanah ?"

Ngiting tanong niya.

"Opo."
Ngiting sagot ko sa kaniya

"Teacher po kayo ni Matthew ?"

Umiling itong nakangiti.

"kamag anak ho ?"

Umiling na naman siya bilang sagot.

"m-mommy niya ako."

Nagulat ako sa sinabi niya dahil ang alam kong mommy ni Uli ay si tita Beth.

"S-step mom ho ?"

Alinlangan kong tanong.

"no."

sagot niyang may pilit na ngiti. Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko at lalo itong bumibilis sa tuwing sasagot sya ng maikli na hindi agad nasasagot ang mga tanong ko.

"s-si Tita Beth po ang s-step mom niya ?"

Napabuntong hininga siya sa tanong ko. Nakita ko pa ang panandaliang pagpikit ng mga mata niya. Na tila humuhugot ng lakas na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko ang paghigpit ng mga kamay ko sa paghawak sa mga damo na nasa gilid ko. Dumilat ito at tumingin ng deretso sa mga mata ko.

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon