Chapter 12

23 8 0
                                    

ALYANAH POV

"y-your boyfriend has a brain tumor."

Paulit ulit na nagpaplay sa utak ko ang sinabi ng doctor sa akin.

"Baka ho nagkakamali lang kayo ?!"

"Pwede kang humingi ng 2nd opinion sa ibang doctor iha. Pero seryoso ako, may brain tumor ang boyfriend mo. Pero hindi ko pa alam kung anong klase itong brain tumor. Kailangan ko uli siyang icheck pag nagising na siya."

"Baka naman ho simpleng migraine lang yun doc ?"

Umiling ito.

"Sabihin mo sa akin kung napansin mo na ito sa boyfriend mo."

Tumango ako at hinintay ang mga tanong niya.

"Headaches that gradually become frequent and more severe."

inalala ko ang nangyari, madalas ngang sumasakit ang ulo niya at ngayon siguro ang pinakamalala.

"y-yes doc."

"Vision problems."

inalala ko na naman ang lahat. 2 months ago ay nakita ko na lang siya sa school na nakasuot ng salamin dahil daw madalas ay lumalabo bigla ang paningin niya. Minsan pa nga daw siyang nadapa sa school dahil sa pagkalabo ng mata niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Difficulty with balance."

naalala ko na kapag nasa apartment niya ako at binabantayan ko siya tuwing gigising siya ay hirap kaming tumayo dahil palagi siyang natutumba. Ang akala ko lang ay nahihilo siya.

"Y-yes doc."

"Personality or behavior changes"

Madalas ngang mainit ang ulo niya at galit. Minsan naman ay para siyang bata sa sobrang sweet. Pero mas madalas talaga ang pagiging magagalitin niya.

"And Hearing problems."

Napansin ko ding hirap ako minsang tawagin siya kailangan ko pang lumapit at kalabitin siya. Akala ko ay malalim lang ang iniisip niya.

Tumango ako sa doctor, ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang nagbabadya na namang mga luha ko.

"Those are the some symptoms of having a Brain Tumor."

"Gagaling pa naman siya doc diba ?"

"We have 3 methods for the treatment. Surgery, Radiation Theraphy and Chemotheraphy. But in his case, hindi pa ako sigurado kung mag a-undergo siya sa surgery dahil ang tumor na nasa utak niya ay maaring tamaan ang ibang vital tissue sa brain niya. Bit don't worry we will do our best to save him."

Umiiyak akong tumango tango sa kaniya. Hindi bilang pag sang ayon kung hindi para matapos na ang paguusap nain dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin niya. Maraming paraan para gumaling siya pero yung mga paraan na yun imposible pa sa kalagayan niya dahil baka mas lalong pang lumala ang kalagayan niya.

'Bakit sa kaniya pa nangyari to ?'

Paglabas ko ng office nung doctor ay agad akong sinalubong ni Michael ng yakap. Doon ko naramdaman ang panghihina, napaupo na ako sa sahig dahil sa panghihina. Rinig na rinig ang iyak ko sa pasilyo ng ospital. At wala akong pakialam kung nakakahiya ako kahit na alam kung ang pagiyak ko ay hindi makakatulong sa nangyari.

"psssshh. Tahan na yanah, he will be okay. Pleaseeee wag ka ng umiyak lalo lang mahihirapan si Matthew kapag nakita kang ganiyan."

"n-nasan na siya ? gusto ko na soyang makita."

"nalipat na siya sa private room tara punatahan na natin."

Inalalayan niya akong tumayo hanggang sa paglakad papunta sa kwarto ni Uli. Nang buksan niya ang pinto. Parang dinudurog ang puso ko nang makita ko siya. May mga aparato sa gilid ng kama niya at may ilang nakakabit sa ulo niya at Naka oxygen siya. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil baka marinig niya ang mga hikbi ko at magising siya. Naramdaman ko ang paghaplos ni Ryan sa likod ko. Nakita ko din na nagpupunas ng luha si Michael pati na din si Cedric na isang kasama niya. Dahan dahan akong lumapit sa kama ni Uli at umupo.Hinaplos haplos ko ang kamay niya sa aking pisngi. Pinapakiramdam ko ang kamay niya na hindi masyadong mainit. Tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko.

'Kakayanin natin Uli. Please samahan mo akong lumaban ah ?'

Habang hawak ko ang kamay niya ay naramadaman kong gumalaw ito. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatayo ako.

"U-uli ? uli ?"

Dahan dahang dumilat ang mata niya at tila hinahanap ang boses na narinig niya. Nagtama ang mata namin, agad akong Nakaramdam ng sobrang awa.

"Ano may masakit ba sa iyo ?"

lumuluha kong sabi, naramdaman kong nagsilapitan din sila Michael sa kama.

"Pare magpagaling ka nandito lang kami." sabi ni Ryan

"Lumaban ka pare kaya mo yan. Pagsubok lang yan." sabi ni Cedric

"Lumaban ka pare hindi para sa mga nakapaligid sayo kung hindi para sa sarili mo." sabi ni Michael.

hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Uli.

"andito lang ako Uli, aalagaan kita. Sabay tayong lalaban sa pagsubok na to."

Nakita ko sa mata niya ang nangingilid na mga luha. Dahandahan niyang ibinaba ang oxygen niya para makapagsalita siya. Pinigila ko siya pero sumenyas siya na huwag ko daw siya pigilan.

"S-sorry i-iya."

Hirap na hirap niyang sabi at agad niyang binalik ang oxygen. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na yun. Inisip ko na lang dahil sa pagaalala ko.

"Magpahinga kana uli. Andito lang ako babantayan kita."

Tumango siya at ipinikit agad ang mata niya siguro ay nanghihina talaga siya. Lumipas ang ilang oras ay umuwi sila Michael dahil papasok pa sila. Babalik daw sila ng tanghali para makipagpalit sa akin at makapagpahinga ako. Nagpapasalamat ako dahil mga kaibigan si Uli na handang tumulong sa amin. Hi,di ko kasi alam kung sino ang malalapitan ko, ngayong alam ko na wala na siyang magulang at hindi ko alam kung sino ang kaniyang mga kamag anak. Basta ang alam ko lang, AKO lang ang meron siya ngayon kaya hindi ko siya pwedeng iwan.





Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon