Chapter 15

16 10 0
                                    


Alyanah POV

Isang buwan na ang lumipas simula nang mamatay si Uli. Pilit kong ginagawang normal uli ang buhay ko. Pinipilit kong wag malungkot at magmukmok. Tuloy tuloy na ang pagpasok ko sa school. Ilang buwan na lang at gagraduate na ako. Lumipat na din ako ng apartment, dito ako sa apartment ni Uli dahil mas malapit ito sa school. At namimiss ko siya kaya napagpasyahan kong lumipat dun atlis pakiramdam ko kasama ko lang siya. Hindi ko binago ang ayos na meron sa apartment niya.

Pagkatapos ng klase ko ay napagpasyahan kong bumalik sa Park na pinaglalaruan namin nung mga bata pa kami. Pagkadating ko sa park ay umupo lang ako sa bench, sumandal ako, tumingala at pumikit. Pinapakiramdaman ang paligid, dinadama ang hangin kasabay nang pagalala sa nakaraan na meron kami dito noon.

SOMEONE'S POV

Bumalik ako sa bahay namin noon dahil may kinuha ako doong ilag gamit na naiwan namin nung umalis kami. Nung nasa kotse na ako ay napadaan ako sa park kay bumaba ako. Kinuha ko din ang camera ko. Gusto kong kunan ang lahat ng sulok na may alaala ako. Una akong pumunta sa simbahan, kinunab ko yung pasilyo nito sa gili kung saan kami nagkasal kasalan noon. Pagkatapos sa simbahan ay pumunta ako sa covered court. Kinunan ko yung ring kung saan ako nakashoot nung naglaban kami ni Labo noon, sunod kong kinunan ang inuupuan noon ni Iya para icheer kami. Bawat paling ng akinh camera ay naalala ko ang lahat. Huli kong pinuntahan ang park, kinunan ko ang mga slide at swings. Noong kukunan ko ang bench kung saan nakaupo noon si iya dahil umiiyak iya ay napansin ko ang isang babaeng natutulog. Nakasandal ang ulo nito n parang nakatingala at nakapikit. Hindi ko namalayang nakatitig na ako sa kaniya.

'Ang ganda niya.'

Tinaas ko ang hawak kong camera at itinutok sa aing mata para kuhanan siya. Nang makunan ko siya ay agad ko itong tinignan. Ang ganda ng pagkakakuha ko, sa pagpikit ng mata niya para lang siyang humihiling sa langit at hindi siya mukhang natutulog.
Pagkatapos ko siyang kunan ay naglakad na ako, dumaan ako sa harap ng babae dahil may shortcut para marating ko agad ang simbahan. Naglalakad na ako noon nang may maramdaman akong yumakap sa likuran ko kaya napatigil ako. Pilit ko siyang nililingon at laking gulat ko kung sino ang yumakap sa akin, siya yung babaeng natutulog sa bench kanina. Umiiyak siya sa likod ko habang yakap ako.

'Chansing na yan te, tama naa.'

Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin at humarap sa kaniya.

"Mukhang nagkamali ka nang niyayakap miss."

Nagulat siya at napatingin sa akin. Nagukat din ako sa taglay niyang ganda kahit umiiyak siya, para siyang anghel.

'parang nasabi ko na yun noon ?'

"Bakit mo ba ako niyakap ? binabasa mo pa yung jacket ko ! baka may sipon sipon mo na to."

Sabi ko habang pilit na tinitignan ang likod ng jacket ko.

"A-akala ko kasi ikaw yung boyfriend ko, naka superman ka kasi."

oo tama kayo ng basa, naka superman akong jacket dahil ito nga ang favorite ko.

"boyfriend boyfriend ! Baka modus mo lang yung pagyakap sa akin para dukutan ako noh ? tekaaa ngaa."

isa isa kong kinapa ag mga bulsa ko pero wala namang nawala, andito pa rin ang cellphone at wallet ko sa bulsa.

"Sa ganda kong toh ? mangmomodus ako ?! tseee. Pasalamat ka nga nayakap kita ! madaming nagaasam ng yakap ko noh ?!"

'ang yabang naman pala nitong babaeng to, gandang babae pa naman.'

"Saka sinabi ko na dba ? Akala ko b-boyfriend kita."

"suss ineng ! gasgas na yang mga linya na yan tipong ako ang magiging boyfriend mo in the future ? ASA KA !"

"FEELINGERROOO !"

at nagdabog ito paalis. Natawa naman ako sa inasal niya dahil sa kaniya may naalala ako. Isang alaala na kailan man di ko nakalimutan.

Pagkatapos ng yugtong yun ay naglakad na ako pabalik sa kotse ko. Nang paandarin ko ito ay naramdaman ko ang malakas na tunog mula sa labas ng kotse. Tila binato ang kotse ko. Agad akong lumabas at tinignan kong may tama ba ang kotse ko. Nakita ko ang isa part na lubog sa likurang ng kotse ko. Halos magwala ako sa galit dahil sa nakita ko. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin kung sino ang may kagagawan nito. Agad na umakyat sa utak ko ang galit ko nang makita ko ang babaeng kausap ko kanina, nakacross arm siya at nakangisi sa akin.

'Hindi ako pwedeng magkamali siya ang gumawa nito.'

"HOY ! ALAM MO BA KUNG GAANO KAMAHAL TONG KOTSENG BINATO MO ? MAS MAHAL PA TO SA MGA ARI ARIAN MO ?!"

"Oh talaga ? alam mo ba ang halaga ng mga ari arian ko baka magulat ka mabilhan pa kita ng limang ganyan dahil wala pa sa kalingkingan ng halaga ng kotse mo ang mga pagaari ko."

Yabang na sabi niya, gusto ko siyang sugurin at dalhin sa prisinto.

"Bakit ka ba namato ? aong problema mo ?!"

"Masyado ka kasibg feelingero, nakakaasar. Buti nga kotse mo ang binato ko hindi yang noo mo !"

"Seriously ?! Dahil lang sa kanina binato mo ang kotse ko?!"

"Kung ganun nga ang pagkakaintindi mo ?"

Walang ganang sagot niya at akmang aalis na siya.

"san ka pupunta ?!"

"uuwi na, bakit sasama ka ?!"

"ASA !"

"K, Gotta go."

"Hoy bayaran mo yung damage ng kotse ko !"

Kinuha niya ang bag niya at akmang may kukunin. Maya maya ay binato niya sa akin ang sampung pisong coin

"Sensya na yan na lang barya ko, ge."

Agad siyang nakasakay ng taxi at ako ay natulala sa inasal niya. Sobrang nakakainis yung ginawa niya sa akin. Naalala ko ganitong ganito ako kapag inaasar ako ni Iya. Nakakainis dahil sa babaeng yun naaalala ko siya ! Leche.




Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon