CHAPTER 6

32 9 1
                                    

Another 4 years have been passed.

Third Person POV

Lumipas ang apat na taon, marami ng nangyari. May umalis at may bumalik ngunit may isa namang aalis. Pareho nakapagtapos ng highschool, Parehong nagtiis at parehong nasasaktan.

Sa apat na taon maraming nagbago, nagbago ng tirahan, nagbago ng kagustuhan at nagbago ng katauhan.
----------
Alyanah Riz Alvarez POV

Nagbalik ako sa lugar na halos apat na taong hindi ko nasilayan. Andito ako ngayon sa tapat ng bahay ng taong kauna unahang dapat kung balikan. Sobrang laki na ng pinagbago, ilang itsura nito pati na din ang kulay nito pero hindi ako pwedeng magkamali na ito ang bahay ng taong dapat balikan ko.

Habang nakatitig ako sa isang bintana ng kwarto biglang bumukas ang gate na bahay nasa harap ko. Lumabas ang isang katulong at may hawak na malaking supot ng basura. Hindi na ako nangaksaya pa ng panahon at agad na lumapit ako sa katulong.

"a-ate ? pwede magtanong ?"

"ano yun iha ?"

"andyan po ba si Uli ?"

"Uli ? sinong uli ?"

'Shocks ! hindi ko alam ang tunay na pangalan ni Uli'

oo, hindi ko talaga alam. Ginawa ko yung rules na hanggat mari hindi nila pwedeng alamin ang pangalan ko at pati ang pangalan nila. Ewan ko ba kung bakit naisip ko yun nung bata ako. Hindi rin namin pansin na dapat alamin ang tunay na mga pangalan namin dahil may tawagan naman kami sa isa't isa. Pero ngayon, ngayon ko nalaman na dapat pala inalam ko ang tunay na pangalan niya.

"ah eh yung nakatira po dito ?"

"nakuuu kung ang tinutukoy mo ay yumg dating nagmamay ari neto ay wala na sila dito. Matagal nang lumipat."

"saan ho sila lumipat ?"

"ayy hindi ko alam iha katulong ako ng bagong nanirahan dito."

"ganun ho ba ? sige salamat po."

At matamlay na umalis ako sa harap ng babae. Paano na yan ngayon ? paano ko siya makikita ? Kasalanan ko tong lahat ! Kung sana inalam ko ang pangalan niya madali kong masesearch sa facebook ang pangalan niya at baka sakaling doon ay mahanap ko siya.

'bobita ka talaga Alyanah amdami mo kasing alam nung bata kapa !'

Napagpasiyahan kong pumunta sa Park mung saan madalas kami maglado nung bata pa kami. Umupo ako sa bench at pinagmasdan ang paligid. Bawat sulok na natitigan ng mata ko tila may nagpplay na alaala sa utak ko. Napapangiti na lang ako pero ang hindi ko namalayan, lumuluha na pala ako.

'Kung hindi siguro ako umalis, siguro kasama pa kita ngayon kasi kahit saan ka pumunta. sasama ako sayo.'

Oras ang inilagi ko sa park na yun nang mapagod na ako magisip ay tumayo na ako.

'babalik na lang uli ako dito. Pero sana sa pagbalik ko gaya mo akong nagbabalik tanaw sa lugar na ito'

Lumipas ang isang linggo napagpasyahan kong bumalik sa lugar na iyon kahit na malayo sa lugar na tinitirhan ko ngayon. Hindi ko alintana ang layo basta ang mahalaga ay umaasa akong makikita ko siya o sila sa lugar na iyon.

Nang makarating ako ay pumunta ako sa swing habang kumakain ng burger dahil nagutom ako sa byahe. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may narinig ako na talbog ng bola na nagmumula sa loob ng covered court. Mabilis mong maririnig iyon dagil sa tahimik ang paligid. Dahil sa namimiss ko na din manood ng basketball ay tumayo ako sa swing at nagsimulang maglakad papadok ng covered court. Nang tanawin ko kung sino ang naglalaro ay nagulat ako. Nabitawan ko ang natitirang burger na hawak ko. At nananatiling nanlalaki ang mata ko, nanginginig ang mga kamay ko.

Nakita ko ang isang lalaking nakajacket ng superman, Tsinelas niya superman at may kwintas na superman. Hindi ako pwedeng magkamali si Uli to ! Gusto ko siyang tawagin pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinapanood siyang maglaro. Hangang hanga ako sa kaniya maglaro dahil madalas siya mag3points shot. Naalala ko noon halos ayaw niya maglaro ng basketball dahil mas magaling sa kaniya si Labo. Mas gusto niyang kumuha ng litrato kesa pagpawisan sa paglalaro ng ganito. Pero kita mo nga naman apat na taon lang ang lumipas pero gumaling na siya sa basketball. Noong huminto siya gitna ng court para magpahinga ay doon na ako kumuha ng pagkakataon. Lumapit ako sa kaniya.

"U-uli ?"

Nakatalikod siya sa akin. Nakita ko ang pagtaas ng balikat niya na tila nagulat pero nung humarap ito sa akin ay nakangiti na.

"Iya buti bumalik kana."

parang nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa inasta niya. Siguro iba lang sa inaasahan ko na dapat ay magulat siya at yayakapin agad ako dahil namiss niya ako pero ngayon nginitian niya lang ako. Pero dahil namiss ko talaga siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at yumakap.

"sorry kung natagalan ang pagbalik ko sorry talagaaa."

"Okay lang ang mahalaga nandito kana."

parang nakakaramdam ako ng tampo dahil sa inaasal niya parang ang chill niya lang kasi nang makita ako para bang hindi naman ako nawala sa paningin niya.

"Sabi nung katulong na nakausap ko na nandun sa dati niyong bahay lumipat na daw kayo ?"

"aaahhh o-oo lumipat na kami."

"bakit nandito ka ?"

"k-kasi hinihintay kita."

"talagaa ? salamat at hindi ka napagod."

yakap ko uli sa kaniya.

"pangako hindi na ako aalis para hindi ka na maghintay uli."

ngumiti lang siya at niyakap ako. Naamoy ko ang pabango niya. Pati pabango niya nagiba na hindi ko akalain na pati pabangong ayaw niya nagustuhan na niya. Mapapatunayan kong sa loob ng apat na taon ang daming nagbago.




Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon