Chapter 9

22 10 0
                                    

Alyanah POV

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung nagtake kami ng Entrance Exam sa Umber University. Nung una pa nga pinipigilan niya ako na magexam sa Umber at doon na lang daw ako sa isang school na malapit dun. Nagtataka din ako kung bakit ganun siya pero hindi ako nagpapigil at nagpatuloy pa din ako kumuha ng Exam. Wala na rin naman siyang nagawa kunwari pa siya gusto niya rin naman akong makasama, papilit lang siya. Nalaman din naman agad namin ang resulta ng exam. Ganum kasi sa Umber after mo magexam, 30minutes lang hihintayin mo at malalaman mo na kung nakapasa ka o hindi.

Kasalukuyan kaming namimili ng mga gamit namin para sa darating na pasukan. Bumili ako ng ilang notebooks, signpens at mga references na din na makakatulong sa course na kinuha ko. Pagkatapos ko mamili ay hinanap ko na si Uli, pagkakita ko sa kaiya ay andon siya sa mga book shelves na pang engineering. Hinanap ko naman ang basket niya. Nagulat ako kasi isang notebook na makapal lang ang binili niya pero punong puno ng libro ang basket niya at hindi nawawala dun ang Harry Potter at Twilight.

"Bumili ka na naman ng libro ng Twilight ? kakabili mo lang nung nakaraan ah ?"

"last series na yang mga yan kaya bumili na ako, yan na lang kasi ang kulang ko."

"okay, dalian mo na gutom na ako."

Tumango lang siya,naghintay lang ako ng ilang minuto at natapos na siya mamili. Agad naman naming binayaran at humanap ng makakainan. Habang kumakain ay may naisip akong itanong sa kaniya.

"pagkatapos nating kumain saan tayo dederetso ? sa apartment ko o sa apartment mo ?"

sa totoo lang, sinusubukan ko kung papayag siya. Hindi pa kasi talaga ako nakakapunta sa apartment niua simula nung kami ay magkita. Parati na lang imahinasyon ang tumatakbo sa isip ko kung ano ba ang itsura ng bahay niya. Tuwing kukulitin ko kasi siya ay palahi niya lang sinasabi na may ginagawa pa siya sa bahay niya. Naisip ko pwede ko naman siyang tulungan pero palagi talaga siyang tumatanggi. Minsan hindi maalis sa isip ko ang magduda kung bakit ganiyan siya. Ayaw niya ako papasukin sa school na papasukan niya at ayaw niya din akong papuntahin sa apartment niya.

Nahinto ang pagiisip ko ng sumagot si Uli.

"sige sa apartment ko tayo pumunta."

"totoo ba yan ? walang halong joke ?"

tumango tango lang siya.

"yeheeey"

After namin kumain ay agad kaing bumyahe papunya sa apartment niya. At totoo na malapit lang ang apartment niya sa University. Pagkahinto ng kotse niya sa tapat ng isang bahay ay agad na bumaba ako at tinungo ang gate nito. Bumaba din si Uli at pumunta sa kinatatayuan ko. Pagkasusi niya ng gate ay ako na ang bukas at tumkabo sa pinto ng apartment. Hinintay ko na naman siya makapasok at pagkasusi niya ng pinto ay agad kong inikot ang door knob at binuksan ito. Sa pagpasok ko ay napahinto ako inikot ko ang paningin ko sa loob ng apartment niya. Malayong malayo sa imihanisyon ko. Ang akala kong kulay blue na pintura ng pader ay isang plain white lang pala sa totoong buhay. Ni wala man lang akong makitang mga Photo Frame na malalaki dito. Kasi naalala ko dati kapag naguusap kami ni Uli tungkol sa itsura ng magiging bahay niya, gusto niya daw ay naka frame yung mga magaganda niyang kuha. Dahil nga bata pa lang kami ay mahilig na siya kumuha ng litrato. Saka Wala man lang ako makitang superman dito sa sala niya. Naisip ko baka nasa kwarto niya.

"Uli pasilip naman ako ng kwarto mo."

Nagulat pa siya sa sinabi ko pero dahan dahan siyang tumango bilang pagsang ayon. Agad akong pumunta sa Second floor at hinanap ang kwarto niya. Pagkakita ko ay agad ko itong binuksan. Sa pagbukas ko ay muli na naman akong nagulat.

'mali na naman yung nasa isip ko.'

Kulay puti parin ang buong paligid. Pumasok ako sa kwarto niya. Doon ay may nakita akong estante na may mga superman figure. Pero pagpaling ko sa kananay nandoon ang napakalaking estante na naglalaman ng Harry Potter Collection at Twilight collection. May mga libro, dvds, mga ilang figure item. At ang mga pader ay may mga poster ng Harry Potter at Twilight. Pero wala akong nakita ni isang Superman at kahit na anong Litratong kuha niya. Doon ay nabalot ako mg pagtataka, mas hilig niya ba talaga ang ganito kesa sa Superman ? Pwede naman niya sana magustuhan ang mga ganito pero parang sobra na dahil mas marami pa siyang collection niyan kesa sa favorite niyang Superman na halos nung bata kami ay wala kang makikitang iba sa kwarto kung hindi Superman.

Bumaba na ako at nakita ko sa sala si uli na inaayos at tinitignan ang mga napamili niya.

"nasaan na pala yung kahon nv mga pictures ko sayo noon uli ?"

"h-ha ? anong pictures ?"

"yung mga kuha mo sa akin noon ?"

"may g-ganun ba ako ? hindi ko na maalala Iya eh. Sorry baka naiwan dun sa dati naming bahay. Hindi ko talaga alam."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya.Parang ang dating sa akin ay nakalimutan niya din ako. Alam ko kung gaano magpahalaga si Uli noon kaya nga naipon niya ang mga litrato ko noon. Hindi ko man nasabi sa kaniya kung gaano ako kinilig nung pinakita niya sa akin ang isang kahon na puno ng litrato ko pero sobrang saya ko dahil sa bagay na yun naramdaman ko ang pagpapahalaga niya. Pero ngayon ? may kirot sa puso ko na malaman na hindi niya na maalala.

'Ganito ba talaga ang naidulot ng mga pangyayari sayo Uli ?'

Habang tumatagal lalo ko nakikita ang pagbabago mo. Lalo ko nakikita ang kaibigan mo sayo. Namimiss mo lang ba talaga siya Uli ? Ano ba ang buong nangyari para maging ganito ang resulta ng pagbabago mo.






Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon