INT. TOMMY’S BEDROOM – GABI
Isang buwan na ang lumipas. Ang silid ay nananatiling sarado, parang isang altar ng alaala. Sa sahig, si Teddy ay nakahiga pa rin—wasak, tahimik, ngunit ang kanyang pulang mata ay muling nagliwanag.
Sa ilalim ng kanyang mata, may natuyong bakas ng dugo.
Dugo ni Tommy.
Dumaan ito sa tela, sa wire, sa core.
At doon, nagsimula ang pagbabagong hindi nila inaasahan.
INT. GABRIEL’S HOUSE – KITCHEN – GABI
CLARA, ang asawa ni Gabriel, ay nakatayo sa harap ng lababo, nanginginig ang kamay habang nagsasalita.
CLARA galit, nangingilid ang luha
“Hindi mo man lang naisip ang ginawa mo. Pinatay mo ang buong pamilya nila. Isang bata, Gabriel. Isang inosenteng bata.”
GABRIEL tahimik, nakaupo, walang sagot
“Hindi ko… alam. Hindi ko na alam kung sino ako.”
CLARA lumapit, matigas ang boses
“Alam mo kung sino ka. Isa kang ama. Pero hindi mo tinuruan ang anak mo ng tama. Hindi mo siya pinigilan. At ngayon, pareho kayong may dugo sa kamay. Hindi alam ng mga pulis kung sino ang gumawa sakanila, paano tayo niyan Gabriel!”
INT. JARED’S BEDROOM – SAME NIGHT
Si Jared ay nakaupo sa kama, tahimik. Sa harap niya, isang lumang larawan nila ni Tommy sa field trip, noong Grade 2. Masaya pa sila noon.
CLARA OFFSCREEN, mula sa hallway
“Jared… dapat hindi mo siya binully. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo.”
Si Jared ay hindi makatingin. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Sa labas ng bintana, may aninong dumaan—mabilis, hindi pangkaraniwan.
INT. TOMMY’S BEDROOM – MIDNIGHT
Teddy’s eye glows brighter. His limbs twitch.
Inside his core, the blood has fused with memory.
Emotion. Pain. Purpose.
TEDDY nagising si teddy
“Humanda sila.”
FADE TO BLACK.
---
YOU ARE READING
Teddy 3 (COMPLETED)
HorrorIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
