INT. CLASSROOM – HAPON
Pawala na ang araw. Ang dating maingay na silid ay unti-unting nabalot ng katahimikan.
Sina Sofia, Clarisse, Janelle, Rica, at Miguel na lang ang natira sa loob.
Wala nang ibang estudyante.
Wala na ring guro.
Tanging ang tunog ng wall clock at ang mahinang ihip ng hangin mula sa bukas na bintana ang naririnig.
CLARISSE nakakunot-noo
“Guys… bakit parang ang tahimik?”
JANELLE nakatingin sa paligid
“Kanina lang ang ingay dito. Ngayon parang… walang tao sa buong building.”
RICA kinikilabutan
“Baka naman uwian na talaga. Pero bakit parang ang bigat ng hangin?”
MIGUEL tumayo
“Alis na tayo. Hindi ko gusto ‘tong vibe.”
Tumango si Sofia.
Hindi siya nagsalita, pero ramdam niya rin ang kakaibang presensya.
Parang may nanonood.
Parang may gustong lumabas.
Isa-isa silang nag-empake ng gamit.
Tahimik.
Mabilis.
Walang nagbibiro. Walang nagkukuwento.
Paglabas nila ng silid, biglang sumara ang pinto sa likod nila—malakas, parang may pwersang hindi nila nakita.
SOFIA napalingon, mahina
“…Wala namang hangin.”
Nagkatinginan silang lima.
Walang nagsalita.
At sabay-sabay silang naglakad palayo.
Isa-isa silang umuwi.
Pero sa bawat hakbang ni Sofia, parang may aninong sumusunod.
Tahimik.
Mabigat.
Pamilyar.
FADE TO BLACK.
---
YOU ARE READING
Teddy 3 (COMPLETED)
HorrorIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
