INT. APARTMENT NI SOFIA – GABI
Pagkatapos ng isang mahabang araw, sa wakas ay nakauwi na si Sofia Cariño.
Pagkapasok sa kanyang apartment, agad niyang ibinagsak ang bag sa sahig.
Tumama ito sa sahig na may mahinang tunog—parang buntong-hininga ng pagod.
Dumiretso siya sa kama.
Hindi humiga.
Umupo lang.
Tahimik.
Tila may bumabalot na bigat sa kanyang balikat.
Tumingin siya sa kisame, habang ang mga alaala ng kanyang kabataan ay unti-unting bumabalik.
FLASHBACK – INT. LUMANG BAHAY – SALA – ARAW
Isang batang Sofia, nakaupo sa sahig, yakap-yakap ang isang teddy bear.
Masaya siya.
Walang iniintinding problema.
Sa background, naririnig ang tawanan ng kanyang mga magulang.
SOFIA bata, masaya
“Best friend kita, Teddy. Huwag mo akong iiwan, ha?”
BACK TO PRESENT – INT. APARTMENT – GABI
Napapikit si Sofia.
Napangiti ng bahagya.
Pero ang ngiting iyon ay unti-unting nawala.
SOFIA mahina, sa sarili
“Bakit ngayon ko lang naalala ‘yon?”
Tumayo siya. Lumapit sa bintana.
Tumingin sa labas.
Tahimik ang gabi.
Pero sa kanyang dibdib, may gumugulong na kaba.
Hindi niya alam kung bakit.
Pero parang may paparating.
FADE TO BLACK.
---
YOU ARE READING
Teddy 3 (COMPLETED)
HorrorIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
