KABANATA 44 - Ang Tawag

8 1 0
                                        

INT. APARTMENT NI SOFIA – GABI

Nanginginig ang kamay ni Sofia Cariño habang hawak ang cellphone. 
Tatlo na ang nawala. 
Si Clarisse, si Janelle, at si Miguel. 
At ngayon… siya na lang at si Rica ang natitira.

Binuksan niya ang contacts. 
Pinindot ang pangalan ng kanyang ina. 
Nag-ring. 
Matagal bago sumagot.

MAMA sa kabilang linya, pagod ang boses
“Sofia? Bakit ka tumatawag ng ganitong oras? Nasa trabaho pa ako…”

SOFIA umiiyak, mabilis
“Ma… kailangan mong makinig. 
May nangyayari. 
Si Clarisse… si Janelle… si Miguel… patay na sila. 
At lahat ‘to… may kinalaman sa teddy bear ko noon. 
Yung laruan na nawala nung nasunog ang bahay natin!”

Tahimik sa kabilang linya. 
Naririnig ni Sofia ang mahinang paghinga ng kanyang ina.

MAMA mahina, nanginginig
“Sofia… hindi ko akalaing babalik pa ‘yon. 
Matagal ko nang tinatago ang totoo…”

SOFIA naguguluhan
“Anong totoo, Ma? Sabihin mo!”

MAMA mahina, halos bulong
“Hindi laruan si Teddy. 
May sumpa siya. 
At nung nasunog ang bahay… akala ko natapos na. 
Pero mukhang bumalik siya… sa’yo.”

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Sofia. 
Isang bagong mensahe sa GC.

RICA: 
Guys… nandito na siya. 
Goodbye…

Pagkatapos ng mensaheng iyon, tumigil ang typing indicator. 
Wala nang sumunod. 
Wala nang reply. 
Wala nang online status.

SOFIA sumisigaw sa telepono
“Ma! Isa-isa niya kaming pinapatay! Ano’ng gagawin ko?!”

MAMA mahina, nanginginig
“Sofia… tumakbo ka. 
Huwag kang maghintay. 
Huwag kang mag-isa. 
At huwag mong hahayaang makita ka niya sa dilim.”

Sa GC, isang bagong mensahe ang lumitaw.

UNKNOWN: 
“Apat na.”

Napaluhod si Sofia, hawak ang cellphone, umiiyak. 
Alam niyang siya na ang huli. 
At wala nang oras.

FADE TO BLACK.

---

Teddy 3 (COMPLETED)Histórias para pegar e não largar. Descubra agora