INT. DORM ROOM NI JANELLE – GABI
Tahimik ang gabi.
Si Janelle Cruz ay mag-isa sa kanyang dorm room, nakaupo sa sahig habang inaayos ang mga litrato sa laptop.
May earphones siya, pero hindi siya nakikinig ng music—gusto lang niyang may marinig na kahit ano… para hindi niya marinig ang katahimikan.
Biglang—PAGPATAY NG ILAW.
Nag-blackout ang buong kwarto.
JANELLE napatayo, kinakabahan
“…Hello?”
Walang sagot.
Walang tunog.
Tanging ang mahinang ugong ng hangin mula sa bintana.
Kinuha niya ang cellphone.
Binuksan ang flashlight.
Nanginginig ang kamay niya habang nagta-type.
GC: BARKADAHAN 5.0
JANELLE:
Guys… ako na yata ang susunod.
Namatay ang ilaw. May nararamdaman akong… hindi ko maipaliwanag.
MIGUEL:
Tumakas ka na! Huwag ka nang maghintay!
RICA:
Janelle, please! Lumabas ka na diyan!
SOFIA:
Huwag kang maghintay. Huwag mong tignan ‘yung laruan kung makita mo man siya!
JANELLE (nagta-type):
Hindi ko na kaya… may naririnig ako sa likod ko…
Biglang nag-vibrate ang phone niya.
Isang bagong mensahe. Hindi galing sa GC.
UNKNOWN:
“Ngayon, ikaw naman.”
Napabitaw siya sa cellphone.
Nahulog ito sa sahig.
Namatay ang flashlight.
Sa dilim, may mga yabag.
Maliit. Mabagal.
At may tunog ng tela na kinakaladkad sa sahig.
JANELLE umiiyak, pabulong
“Ayoko pa… ayoko pa…”
Isang huling sigaw.
Isang malakas na tunog.
At pagkatapos—katahimikan.
INT. GC: BARKADAHAN 5.0 – ILANG MINUTO ANG LUMIPAS
MIGUEL:
Janelle?
RICA:
Sumagot ka naman please…
SOFIA:
Janelle…?
Walang reply.
Walang typing.
Walang online status.
At sa huling mensahe ng GC, isang bagong pangalan ang lumitaw.
UNKNOWN:
“Dalawa na.”
FADE TO BLACK.
---
ESTÁS LEYENDO
Teddy 3 (COMPLETED)
TerrorIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
