INT. APARTMENT NI SOFIA - GABI
Nakahawak si Sofia Cariño sa cellphone, nanginginig.
Tumawag siya sa pulisya.
SOFIA umiiyak, mabilis
"Please... tulungan niyo ako. Bumalik na siya. Yung teddy bear... mula pa noong bata ako!"
INT. APARTMENT - FEW MINUTES LATER
Tahimik ang paligid.
Naghintay si Sofia, nakaupo sa gilid ng kama.
Naririnig niya ang mahinang kaluskos.
Mula sa pinto.
Mula sa dilim.
Dahan-dahan siyang tumayo.
Binuksan ang pinto.
At doon niya nakita-
ang teddy bear.
Hindi na laruan.
Malaki. Mabigat.
May malalaking kuko, tumutulo ang dugo.
At mula sa bibig nito, may mabangis na pag-ungol.
SOFIA napaatras, sumisigaw
"Diyos ko..."
INT. APARTMENT - SUDDENLY
Dumating ang mga pulis.
Sumugod sila, armado.
Binabaril nila ang halimaw.
Nayanig ang buong silid sa putok ng baril.
Tumumba ang teddy bear.
Nawasak ang katawan.
Pero bago tuluyang bumagsak, nakalaban pa ito.
Isa-isang bumagsak ang mga pulis, tinadtad ng mga kuko, nilapa ng halimaw.
Hanggang sa isa na lang ang natira.
Duguan, nanginginig, pero nakatayo.
PULIS sumisigaw kay Sofia
"Tumakbo ka! Labas! Nandiyan ang mama mo!"
EXT. APARTMENT - GABI
Lumabas si Sofia, luhaan, nanginginig.
At doon, nakita niya ang kanyang ina.
Niyakap siya ng mahigpit.
Pareho silang umiiyak, sabay na bumagsak sa lupa, hawak ang isa't isa.
SOFIA umiiyak, bulong
"Ma... tapos na..."
MAMA mahina, nanginginig
"Hindi pa, anak... hindi pa."
FADE OUT - ENDING SEQUENCE
Tahimik ang screen.
Credits roll.
At sa huling frame, makikita ang durog na teddy bear sa sahig.
Unti-unting gumalaw.
Isang mata ang dahan-dahang bumukas.
Pulang liwanag.
Isang ungol.
THE END...?
---
أنت تقرأ
Teddy 3 (COMPLETED)
رعبIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
