INT. APARTMENT NI SOFIA – MADALING ARAW
Sa gitna ng katahimikan, biglang bumangon si Sofia Cariño mula sa kanyang pagkakatulog. Basang-basa ng pawis ang kanyang noo, at mabilis ang tibok ng kanyang puso. Hinagilap niya ang kanyang cellphone sa tabi ng unan.
SOFIA bulong
“Anong oras na ba…”
Pinindot niya ang screen.
3:17 AM.
Napabuntong-hininga siya.
Binitawan ang cellphone at naupo sa kama.
May kung anong kaba sa dibdib niya—hindi niya maipaliwanag.
Tumayo siya.
Tahimik ang buong apartment.
Lumakad siya papunta sa kusina, sinilip ang bawat sulok.
Walang kakaiba.
Walang tao.
Walang laruan.
Bumalik siya sa kwarto.
Binuksan ang ilaw.
Walang gumalaw.
Walang nagbago.
Ngunit sa kanyang isipan, may tanong:
“Bakit parang may bumalik?”
Humiga siyang muli.
Pumikit.
At unti-unting binalot ng antok ang kanyang katawan.
INT. APARTMENT – FEW MOMENTS LATER
Tahimik.
Sa loob ng kanyang kwarto.
FADE TO BLACK.
---
VOCÊ ESTÁ LENDO
Teddy 3 (COMPLETED)
TerrorIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
