INT. SOFIA’S APARTMENT – GABI
Nakahiga si Sofia Cariño sa kama, hawak ang cellphone.
May notipikasyon mula sa group chat nila nina Clarisse, Janelle, Rica, at Miguel.
GC: BARKADAHAN 5.0
RICA:
"Guys, wala pa rin si Clarisse. Di sumasagot."
MIGUEL:
"Tinawagan ko kanina. Walang sumasagot. Kahit sa landline."
JANELLE:
"Nag-message ako sa IG. Seen lang. Pero walang reply."
SOFIA:
"Kanina pa ako may kaba. May nararamdaman akong hindi tama."
RICA:
"Sofia… may alam ka ba?"
SOFIA:
"Kagabi… may narinig akong tunog sa apartment.
Tapos may nag-message ulit.
Walang pangalan."
Sabi lang: “Nagkita na tayo ulit.”
MIGUEL:
"Wait. ‘Yan din ‘yung message na nakuha mo dati, ‘di ba?"
SOFIA:
"Oo. At may teddy bear sa panaginip ko.
Yung laruan ko nung bata pa ako.
Yung… nawala nung nasunog ang bahay namin."
JANELLE:
"Sofia…
May nabasa akong article dati.
Yung bahay niyo.
Yung sunog.
Yung tatay mo…"
SOFIA:
"Oo.
Si Papa… namatay.
Si Mama lang ang nakaligtas.
At mula noon, hindi ko na nakita si Teddy."
RICA:
"Guys… may balita."
RICA (nag-send ng link):
“Isang estudyante natagpuang patay sa sariling bahay. Walang forced entry. May laruan sa tabi ng katawan.”
MIGUEL:
"Hindi…
Hindi si Clarisse ‘yan…?"
JANELLE:
"Oh my God…"
Tahimik ang GC.
Walang nagta-type.
Walang emoji.
Walang reply.
Hanggang sa biglang nag-pop up ang isang bagong message.
UNKNOWN:
“Isa pa.”
SOFIA (nagta-type):
"Sino ka?"
Walang sagot.
Pero sa kabilang dulo ng lungsod, si Janelle ay mag-isa sa dorm.
At sa likod ng kanyang camera lens…
May matang nakatingin.
FADE TO BLACK.
---
KAMU SEDANG MEMBACA
Teddy 3 (COMPLETED)
HororIlang taon na ang lumipas. Si Sofia Cariño, ang batang minsang kalaro ng isang misteryosong teddy bear, ay isa nang college student sa kursong Psychology sa Maynila. Kasama niya ang kanyang barkada-tatlong matatalik na kaibigang babae at isang lal...
