KABANATA 39 - May Tunog sa Dilim

9 1 0
                                        

INT. APARTMENT NI SOFIA – GABI

Tahimik ang gabi. 
Nakahiga si Sofia Cariño sa kama, nakatitig sa kisame. 
Hindi siya makatulog. 
Hindi dahil sa ingay—dahil sa katahimikan.

Bigla siyang bumangon. 
Lumakad papunta sa kusina para uminom ng tubig. 
Habang nagbubuhos sa baso, napatingin siya sa orasan sa dingding.

11:47 PM.

Pagbalik niya sa kwarto, napansin niyang bukas ang drawer ng study table. 
Hindi niya maalalang binuksan niya ito.

SOFIA mahina
“Baka naiwan ko lang…”

Isinara niya ito. 
Humiga ulit.

FEW MINUTES LATER

Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang tunog. 
Mahinang “tok… tok… tok…” 
Parang may kumakatok. 
Pero hindi sa pinto. 
Sa loob.

Napaupo siya. 
Pinakinggan muli.

“Tok… tok… tok…”

Mula sa cabinet. 
Mula sa ilalim ng kama. 
Hindi niya alam.

Tumayo siya, dahan-dahan. 
Lumapit sa cabinet. Binuksan. 
Wala.

Lumuhod siya. 
Sumilip sa ilalim ng kama.

Walang tao. 
Walang laruan. 
Walang kahit ano.

Pero pag-angat niya ng ulo, napansin niya ang cellphone niya sa ibabaw ng kama. 
May bagong mensahe.

“Nagkita na tayo ulit.”

Nalaglag ang baso sa sahig. 
Binasag ng tunog ang katahimikan.

SOFIA nanginginig
“Sino ka ba…”

Walang sagot. 
Pero sa sulok ng kwarto, sa dilim, may dalawang mata ang tila kumikislap— 
isang pula, isang itim.

FADE TO BLACK.

---

Teddy 3 (COMPLETED)قصص لتهوسّ بها. اكتشف الآن