KABANATA 35 - Mga Senyales

8 1 0
                                        

INT. UNIVERSITY HALLWAY – HAPON

Tapos na ang klase. Si Sofia at ang barkada ay naglalakad palabas ng lecture hall.

CLARISSE 
“Grabe ‘yung prof natin. Parang horror movie din ‘yung quiz.”

RICA 
“Mas nakakatakot pa ‘yung eyebags ko.”

JANELLE nakatingin sa paligid
“Wait… may napansin ba kayong kakaiba?”

MIGUEL nakakunot-noo
“Like what?”

JANELLE 
“Kanina pa ako may naririnig na parang… kaluskos. Sa hallway. Pero walang tao.”

Tahimik silang lahat. 
Napatingin si Sofia sa dulo ng corridor—walang tao, pero parang may aninong dumaan.

INT. DORM HALLWAY – GABI

Pag-uwi ni Sofia sa dorm, napansin niyang bukas ang pinto ng kanyang kwarto. 
Sigurado siyang isinara niya ito kaninang umaga.

SOFIA mahina
“Baka si Rica lang ‘to…”

Pumasok siya. Tahimik. 
Maayos ang gamit. Walang nawawala. 
Pero sa study table niya, may isang bagay na hindi niya maalala kung kailan niya huling nakita—

Isang maliit na pulang button. 
Parang mata. 
Parang pamilyar.

INT. DORM ROOM – LATER THAT NIGHT

Habang nag-aaral, biglang namatay ang ilaw. 
Kasunod nito, ang cellphone niya ay nag-vibrate. 
Isang anonymous message:

> “Na-miss mo ba ako?”

Napahawak siya sa dibdib. 
Hindi niya alam kung sino. 
Pero alam niyang hindi ito biro.

Sa ilalim ng kama, may gumalaw. 
Isang aninong may dalawang mata—isa ay pula, isa ay itim.

FADE TO BLACK.

---

Teddy 3 (COMPLETED)قصص لتهوسّ بها. اكتشف الآن