KABANATA 40 - Unang Biktima

11 1 0
                                        

INT. BAHAY NI CLARISSE – GABI

Tahimik ang buong bahay. 
Si Clarisse Mendoza ay mag-isa. 
Nasa loob siya ng kanyang kwarto, nakaupo sa harap ng desk, nakatutok sa laptop. 
May earphones siya, nakikinig ng dark ambient music habang gumagawa ng assignment sa Philosophy.

Sa paligid, tanging ang tunog ng keyboard at mahinang ulan sa labas ang maririnig.

INT. KWARTO NI CLARISSE – ILANG MINUTO ANG LUMIPAS

Napahinto siya sa pagta-type. 
Napatingin sa gilid. 
Parang may narinig siyang kaluskos mula sa hallway.

Inalis niya ang earphones. 
Tahimik.

CLARISSE mahina, sa sarili
“Baka pusa lang ‘yon…”

Bumalik siya sa laptop. 
Pero pagtingin niya sa screen—nag-glitch. 
Sandaling nag-blackout. 
Pagbalik ng screen, may bagong window na bukas.

Isang larawan. 
Kuwarto niya. 
Kinuhaan mula sa labas ng bintana.

CLARISSE napaatras
“What the hell…”

Tumayo siya. 
Lumapit sa bintana. 
Walang tao. 
Walang anino.

Pagbalik niya sa kama, may napansin siyang bagay sa ibabaw ng unan.

Isang teddy bear. 
Maliit. 
May pulang mata. 
At nakangiti.

CLARISSE (nanginginig) 
“Hindi ko ‘to laruan…”

Biglang namatay ang ilaw. 
Sumara ang pinto. 
At sa dilim, may narinig siyang boses—paos, pabulong.

TEDDY off-screen, bulong
“Na-miss mo ba ako?”

Sumigaw si Clarisse. 
Tumakbo siya papunta sa pinto, pero hindi ito bumubukas. 
Sa likod niya, may mga yabag. 
Maliit. Mabigat. Mabagal.

Paglingon niya—wala. 
Pero sa salamin, may repleksyon. 
Isang nilalang na may anyong teddy bear… 
Pero ang mga mata nito ay pula’t itim, at ang ngiti nito ay masyadong malalim.

CLARISSE umiiyak
“Hindi totoo ‘to… hindi totoo ‘to…”

INT. LABAS NG BAHAY – ILANG ORAS ANG LUMIPAS

Tahimik. 
Mula sa bintana, may makikitang pulang liwanag. 
At isang aninong dahan-dahang lumalayo.

FADE TO BLACK.

---

Teddy 3 (COMPLETED)قصص لتهوسّ بها. اكتشف الآن