KABANATA 36 - Ang Mensahe

8 1 0
                                        

INT. UNIVERSITY CAFETERIA – TANGHALI

Maingay ang paligid. Mga estudyanteng nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at abalang kumakain. Pero sa isang mesa sa sulok, tahimik ang grupo nina Sofia Cariño.

Nakahawak si Sofia sa kanyang cellphone, nakakunot ang noo. 
Binuksan niya ang inbox. 
Nandoon pa rin ang mensahe—bagong-bago, walang pangalan, walang number:

> “Na-miss mo ba ako?”

SOFIA mahina
“Guys… may nag-message sa’kin. Kanina lang. Wala namang pangalan. Wala ring number.”

CLARISSE naka-simangot
“Baka prank lang ‘yan. Sino sa atin ang may time mang-trip habang may quiz?”

SOFIA tumingin sa kanila isa-isa
“Kaya nga tinatanong ko kayo. Kayo ba ‘to?”

Nagkatinginan ang apat.

JANELLE 
“Hindi ako ‘yan, Sofia. Promise.”

RICA 
“Wala akong alam diyan. At kung ako man ‘yan, may emoji ‘yan at heart.”

MIGUEL seryoso
“Hindi rin ako. Pero… bakit parang natakot ka?”

Tahimik si Sofia. 
Huminga siya nang malalim. 
At saka nagsalita.

SOFIA 
“Kasi… may napanaginipan ako kagabi. Tungkol sa bahay namin dati. At sa teddy bear ko noon.”

CLARISSE napatigil
“Wait. ‘Yung teddy bear? ‘Yung… ‘yun ba ‘yung nasa balita dati?”

RICA mahina
“‘Yung bahay niyo… ‘di ba nasunog? May… may namatay?”

Tumango si Sofia. 
Hindi niya alam kung paano nila nalaman. 
Pero halatang hindi siya lang ang may alaala ng nakaraan.

SOFIA mahina
“Si Papa… namatay. Si Mama lang ang nakaligtas. At ‘yung teddy bear… nawala. Akala ko tapos na ‘yon.”

JANELLE nag-aalangan
“Pero kung bumalik ‘yung teddy bear sa panaginip mo… baka hindi lang basta panaginip ‘yon.”

Tahimik muli ang mesa. 
Sa gitna ng ingay ng cafeteria, tila sila lang ang nasa ibang mundo.

MIGUEL mahina
“Sofia… baka may bumabalik talaga.”

FADE TO BLACK.

---

Teddy 3 (COMPLETED)قصص لتهوسّ بها. اكتشف الآن