TTLTCL 1 - The story behind her smile

117 3 0
                                    

[ A/N: Kotomi Imaizumi on media. ]


Kotomi's POV

Nakadapa akong nakahiga sa kama ko habang ramdam na ramdam ko pa yung basa nung unan dahil sa laway ko. Pero ayaw ko paring bumangon mula sa kama. Alam ko kasing first day of school ngayon at dun pa sa impyernong paaralang yun. Ba't niyo nasabing impyerno, malalaman niyo rin mamaya.

"James Yap for three, BANG!" Rinig kong sigaw ni Kuya Christian ang panganay saka pinakamatalino saming apat. At naramadaman ko nalang na bigla niya akong tinalunan kaya napisa tuloy ako. Take note po, nakadapa akong nakahiga..at ang sakit ;(

Pasalamat ka kuya at inaantok pa ako. Pero dahil nga sa ginawa ni kuya ay wala na akong ginawa kundi ang bumangon saka sinuot yung eyeglass ko. Tss, ansakit tuloy nung likod ko.

"Antagal mo namang gumising, kanina ka pa namin niyuyugyog pero wala parin."

Kinikiskis ko yung ulo ko, ang kati kasi e. "Kaya naisipan mong pisain ako? Ansama niyo, palibhasa kasi lalake kayo. Sipain ko 'yang mga pagkakalalake niyo e."

"Woah! Nakakatakot naman 'tong si Princess Kuto..." Sigaw naman ni Kuya Drake ang ikalawang panganay at pinakamagaling mang-asar. Psh, isa pa 'to e.

Sinamaan ko naman siya nang tingin. Kaya agad siyang nag-peace sign. "Mi..oh, may dinugtong ako dun sa Kuto..tas plus mi. Edi Kuto-mi!...Hoooy!" Sigaw niya sabay ilag.

*blaag!*

Ba't siya umilag? E sa tinapon ko lang naman kasi yung bola ko sa kanya kaso nailagan niya.

"Okay, kuto este Kotomi, maligo ka na kasi amoy panis na laway ka na." Nakikisali pa 'tong Kuya Zeke ang pangatlo saka ang playboy sa kanilang tatlo.

"Umalis na nga kayo sa harap ko!" Sigaw ko, saka naman sila nagsilabasan dun sa kwarto. Kabwisit kasi e. Ni wala man lang good morning, pang-aasar lang alam nila. Ayos lang naman kasi sakin na bumati man lang sila sakin kahit na may pang-aasar parin, gaya nang "Good morning Kuto! Maligo ka na, papasok pa tayo!" Haays, pero ganyan talaga sila e. Magkabalakubak sana yung mga yun.

---

Matapos kong maligo saka makapagbihis ay lumabas na ako mula sa kwarto at andun na silang tatlo, at nag-aagahan na. Umupo nalang din ako saka kumuha nang kanin at ulam.

"Oh Kotomi, gatas. Para naman di ka agad magutom dun sa school niyo." Alok sakin ni Kuya Christian sa isang baso ng gatas, kaya napangiti akong kinuha yun. Kahit paano ay concern din pala talaga si Kuya sakin.

"Kotomi, kapag may nam-bully sa'yo, sumbong ka lang samin. Uupakan namin kung sino man ang may gagawing kalokokohan sa'yo!" Ani Kuya Drake. Tss, baliw talaga 'tong si kuya.

"At kung may manligaw man sa'yo, ipagpaalam mo samin. Huwag mong itago kasi--"

"--walang sekreto ang di nabubunyag." Dugtong ko sa sinabi ni Kuya Zeke. "Hay, alam ko na 'yan noh. Saka sa mukha kong 'to? Sa tingin niyo ba may manliligaw sakin? E sa isang tingin pa nga nila sakin, nandidiri na sila. Ang lapitan pa kaya ako?"

"Oh alam na pala talaga ni bunso ang payo niyo, saka ang huling panuto ko sa'yo Kotomi, palagi kang ngumiti..at iwasan mo ang malungkot o umiyak. Lumaban ka kung may umaway man sa'yo, pero kapag sinaktan ka na..di na pwede yun, isusumbong mo na samin? Gets mo?" - Kuya Christian.

Agad naman akong nag-salute. "Aye aye, captain!" Saka naman kami nagtawanan. Kami nalang kasi magpamilya, ulila na kami. Patay na ang mama at papa namin dahil lang sa isang sabay na aksidente.

That tiny little thing called LiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon