"Oh my god!" Rinig kong sigaw ng boses ng babae.
Paglingon ko...may tatlong babae ang nasa harapan ko. Sino naman 'tong mga 'to?!
"Hoy babae, alam mo ba ang 'yang mga sinasabi mo ha?!" Nakaturong sabi sakin nung babaeng nasa kaliwa.
Kumurap-kurap ako, saka tumango. "Oo, demonyo ang ugali ng Carloize na yun. Kaya kayo, huwag niyo na yung pagpantasyahan kasi may mga lalakeng nakatadhana para sa inyo, huwag niyong sayangin ang oras para sa kanya."
Parehas naman silang napasingap dahil sa sinabi ko. "Kilala mo ba talaga si Carloize? Close ba kayo para sabihing demonyo ang ugali niya? At ang kapal naman ng mukha mong pagsabihan kami na sinasayang namin ang oras sa kanya, e sa dapat lang talaga namin siyang aksyahan nang oras kasi he's worth it!" Giit naman nung nasa kanan.
"And wait, you're the girl na may maraming kuto right? Kotomi Imaizumi. And you're from a poor family, nakapag-aral ka lang dito with luck..so anong karapatan mong sabihin na demonyo si Carloize, you don't know him yet. Remember this, lice girl, don't say foolish words not until you're more prosperous than them, cause stupid words can harm you." Satsat naman nitong nasa gitna.
"E sa ano ngayon?" Tanong ko.
Napasingap uli sila dahil sa yun lang ang sinabi ko. "Di ko nga siya kilala, pero nakikita na kaagad yun sa kinikilos niya. Tsaka sino bang may kailangan nang opinyon niyo? Di niyo ba nakita ang ginawa niya kanina? 'Yan ba ang dahilan kung ba't siya worth it? Maka-sermon kayo diyan, akala niyo nanay ko kayo, ni hindi ko nga kayo kilala e, tapos susulpot nalang kayo bigla dito sa likod ko at biglang magsasalita."
Di naman sila nakasagot, pero nakita ko naman silang inirapan ako.
"Well, kung hindi mo kami kilala..ipapakilala namin ang aming mga sarili. Ako si Alexis, ang pretty darling nang FNA!"
"Ako naman si Annie, ang charming daughter nang FNA!"
"At ako naman si Alison, ang leader nang grupo. At ang beautiful diva nang FNA!"
Kailangan ba talagang may posing? Sige, pipicturan ko kayo ha! =__= Mga ulol, kala niyo sakin..photographer?
Bigla naman akng napakamot dun sa ulo ko dahil sa nangangati na naman 'tong ulo ko! Argh, eto na naman tayo oh! Shet, ang kati talaga!
Nakita ko naman ang mga nandidiring mukha ng mga bruhang 'to, saka umiiling sabay sabi ng tsk. At sinamahan pa ang pag-whip nung mga buhok nilang mukha namang mga wig sabay alis. Grr, pasalamat kayo, makati 'tong ulo ko!
//
Agad ko naman nahanap yung classroom ko. At dahil sa wala naman akong masyadong kakilala dun ay dun ako umupo sa likod at malapit sa bintana. Nilagay ko na yung bag ko saka pinagpatuloy uling kamutin ang ulo ko. Kati pa rin kasi e.
Agad namang pumasok yung teacher namin kaya nagsitayuan na kami saka bumati nang good morning.
"Good morning rin sa inyong lahat, before we start a serious lesson, why do we first introduce ourselves? I'm Mr. Henry Navasquez, you're adviser. And I'm teaching or holding the Science subject which is Biology and Chemistry. So I've already introduced myself, so let's start with the first row."
Hay, buti nalang nasa last row at last seat ako. E sa napakalayo ko na nga, matatagalan pa bago ako makapag-introduce sa harap. Ang talino ko talagang mamili nang upuan. Haha.
Matapos ang ilang minuto ay nasa second row na, malayo parin sa kinaroroonan ko. Nasa fifth row ako e.
Tinanggal ko muna yung eyeglass ko saka kinusot-kusot ang mata ko. Tsaka ako nakarinig nang sigawan ng mga babae. Kaya ako napatingin dun sa may pinto, pero kahit na di ko masyadong maaninag kung sino ang taong yun, ramdam na ramdam ko na sobrang gwapo niya talaga. Dahilan para mapangiti ako at mapatulala. At di ako maaring magkamali, si Keizer 'yan. KYAAAA!
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...