Kotomi's POV
Hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko dahil sa di naman ako nakapagtakip ng bibig ko nung dumighay ako. Grr. Di kaya ako dumidighay sa public, lalong lalo na sa harap ng mga judgemental. Katulad nalang nung kanina, sa tingin palang..mukhang may kaya si ale.
*boogsh!*
Bigla akong napatumba at nawala ako sa iniisip ko nang may nakabangga ako. Kaya agad akong nanalangin na sana di 'to si Carloize, Kurt, Alyson, Annie, at si Alexis..ang mga nakakasira ng araw ko.
Pero laking gulat ko nang si Justine ang nakita ko at nakalahad ang kamay niya sakin. "Sorry, nasaktan ka ba?" Panimula niya.
Ngumiti ako saka inabot yung kamay niya. "Hindi naman." Sabi ko habang pinapagpag yung palda ko.
"Ang aga mo ata ngayon ah?" Nagtatakang tanong niya.
Tumawa ako ng mahina. "Maaga naman talaga akong pumupunta rito. Di mo lang ako napapansin, kasi di ako masyadong kilala dito."
"Huh? E diba ikaw yung nakatalo sakin sa running? Ah, oo nga! Ikaw si Kotomi Imaizumi. Ngayon, naaalala na kita."
"Diba, magkaklase tayo? Ba't ngayon mo lang ata ako napansin?"
"Di kasi ako mahilig manghimasok e. Baka mapagtripan ako nina Carloize."
Biglang bumusangot yung mukha ko nang marinig ko ang pangalang yun. "Ah yun? Pabayaan mo na sila. Takot ka dun? Akong bahala sa'yo. Pero di sa nagyayabang ako ah? Siya lang naman kasi ang pinaka-ayaw kong lalake sa buong buhay ko. Ansama ng ugali, parang bading..pumapatol ng babae."
Bigla siyang napatihimik bigla. Kaya napatingin ako sa kanya. "Ah sorry. Di ko sinasadya."
"Huh? Ang alin?" Natauhan niyang sabi.
"Yung pagsabi ko ng bakla? Diba, tinutukso ka na bakla ka daw? Totoo ba yun? Alam mo, pagpasensyahan mo na ako kasi may pagka-echosera rin ako minsan e." Weh? Sinungaling!
"Umm.." Nahihiya pa siyang nakatungo niyan.
"Ah, ayos lang. Di mo na kailangang sagutin. Magkabago lang naman tayong nagkakilala diba, pasensya na talaga sa nasabi ko."
"Umm, hindi! Ayos lang, ang totoo niyan..totoo talaga yun. Obvious naman siguro diba?"
Tumingin lang ako sa kanya at kaagad na sumagot para di siya umiwas ng tingin. "Oo, kitang-kita ko naman. Pero kasi parang di kasi nakikita sa mga kinikilos at ini-express mo."
Matamlay siyang ngumiti. "Malilintikan ako ng daddy ko kapag nalaman niyang nagbabading-badingan ako dito sa FNA."
"Ano bang masama dun? Pwede ka namang lumadlad ng palihim diba?"
"Ang masama dun ay may palihim ding nakabantay sakin dito plus may website pa ang FNA, kaya kahit ilihim ko pa ay makikita at malalaman parin nila 'to at makakarating kay daddy."
____________________
Puro kwentuhan kami ni Justine habang naglalakad papunta rooftop para magpahangin. At hindi ako na-bore ni kahit isa man sa mga topic niya, kasi habang tumatagal ang usapan namin nagiging bading siya. Haha.
"Di ka ba papagalitan ng tatay mo kapag nakita ng mga nagbabantay sa'yo dito na may kasama kang babae?"
"Hmm, di naman. Kailangan ko lang magpanggap na parang fling ko sila."
Tumango-tango ako..parang gusto ko tuloy umiwas sa kanya. Ayokong maging isa sa mga fake flings niya noh, kahit fake yun..kakaiba parin, para kang ano, ah basta ewan.
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...