Mag-isa lang akong naglalakad dito sa FNA papunta dun sa classroom.
Napalingon ako sa likod ko nang may humigit sakin. Di ko siya nakikita kasi nakatalikod na siya sakin at ang bilis pa niyang maglakad.
"Ah, excuse me po..dahan-dahan sa paghigit. Ansakit e." Sabi ko habang pilit na tinatanggal yung kamay niya sa braso ko.
Di niya ako pinansin at hanggang sa naglalakad na kami sa staircase dito papunta sa taas.
"Saan mo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko saka naman niya malakas na binuksan yung pinto dun.
"Dito." Kalmadong sabi niya. Tch. Sa rooftop lang pala e. Bakit antagal niyang sumagot?!
"Sino ka ba?" Singhal ko sa kanya. Bigla nalang kasing naghihigit. Di ko naman 'to kilala.
Tinaggal niya yung buhok--teka, oo nga buhok! Kailan pa yun natanggal? Ay bobo Tomi, natural wig yun!
Tsaka niya din tinanggal ang eyeglasses niya.
"Baliw?"
"Pwede ba kuto? Stop calling me like that!"
"Trip ko e!"
"Fine. I'll call you kuto and you'll call me yours."
"Dafaq! Asa ka pa! Tss. Ano bang meron. May pa-disguise ka pang nalalaman diyan?!" Nakapameywang kong sabi.
"E kasi, ayokong ma-trap na naman dun sa entrance."
"So? Ano ngayon? Diba you like fame? Nakakasawa ba?"
"Hindi. Inggit ka ka lang kasi sikat ako." Pagyayabang niya.
"Sikat? Di ka nga kilala nang kuto ko e!"
"Ba't nila ako makikilala? Hindi naman sila tao?!"
"Walang basagan nang trip!"
"Haist. Kaya kita dinala dito kasi tungkol dito yun kay baliw."
"Tungkol sa'yo?"
"Tungkol kay baliw!"
"Tungkol nga sa'yo?!"
"Tungkol nga kay--teka?! Paulit-ulit ah?!"
"Sino din bang may sabing ulitin mo? Tsaka ano bang tungkol sa'yo?"
"Tungkol kay Keira!"
"Ah, kay Keira.." Napasimangot ako nang marinig ko ang pangalan niya. Kasi naman e, parang ito na namang nararamdaman ko..bumabalik na naman.
Nung kahapon parang wala lang naman e ngayon..parang pakiramdam ko, ewan di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. Selos? Pfft, pakamatay nalang ako.
"Di na kasi siya bumalik sa mansion kahapon tapos nawala ang mga gamit niya. Anong gagawin ko? Mapapagalitan ako nang bruha kong mama pag nagkataong nawala ang personal assistant ko?" Wow, ang galang niya sa mama niya ah?
"Aba ba't ako ang pinagsasabihan mo niyan?!"
"Because you're my kuto and I'm yours."
Di ako umimik. May something sa loob ko na pinipeste ako mula dito sa labas. Wala, di naman ako kinilig dun.
"Walang kwenta! Di man lang ako kinilig." Saka umiwas nang tingin.
"Pinakilig ba kita? I'm just saying."
"Pucha ka."
"So, kailangan mo akong tulungan."
"Ayoko. Busy ako."
"Sige na."
"Ayoko nga."
"Di na kita aawayin."
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...