Kotomi's POV
Narinig ko ang pagsara nung pinto nang kotse nila, pero di ko makita kung sino yun..kasi nasa second floor ako at basta, di ko lang talaga sila makita!
Narinig ko naman ang pag-doorbell kaya kaagad akong bumaba at nakita ko si Keizer na papunta na din sana sa pinto.
"Ako na." Sabi ko saka niya ako tinanguan.
(Bukas nang pinto ~)
o_______________O
.
.
.
"AAAAAAAAAAAAHHHH!!!" Sabay sigaw naming dalawa ni baliw. Oo, si Carloize baliw.
"Woah, welcome sa tambayan Miss Imaizumi." - Shane
Di ko siya pinansin tsaka ko hinarap ang lalakeng 'to. "Anong ginagawa mo dito?!"
"Ako ang dapat magtanong niyan, anong ginagawa mo dito sa tambayan namin?!"
Magsasalita pa sana ako nang.."Oh Carloize..Shane, sorry kung nabigla kayo ah? Tomi and his brothers wil be staying here temporarily, wala pa kasi silang nakikitang mauupahang bahay kaya dito muna sila." -Keizer.
"So? Andaming pwedeng malipatan! Ba't dito pa talaga sa tambayan natin, pwede namang sa iba mo nalang sila pinatira. Pwedeng dun sa bahay niyo!"
"Temporary nga e! Huwag kang mag-alala, lalayas din naman kaagad kami dito kapag may nakita na kaming pwedeng upahan." Sigaw ko sa kanya.
Napatahimik naman siya, at mga ilang segundo din nang biglang ngumisi ang walangyang 'to.
"Hay, ang matandang yun talaga..haha, ang hina niya 'pag pera na ang pinag-uusapan. Oh sige, maiwan ko na muna kayo." Sabi niya saka nagtungo dun sa may billiard. Tss, ano bang sinasabi niya..sino yung matandang tinutukoy niya?!
Napabalik naman ako sa wisyo nang may kamay ang tumapik sa balikat ko. Si Shane. "You know, sometimes..Carloize acts weird. Get used to it." Saka siya sumunod dun kay baliw, si Keizer naman kumibit-balikat nalang, saka ako nginitian.
Tss, wala namang talagang weird sa tao kung alam mo lang kung ano yung mga pinanggagagawa niya. =_____=
//
Kumuha ako nang maiinom dito sa ref, nagpaalam pa nga muna ako kay Keizer e, pero sinigawan talaga ako nang baliw na Carloize na'to dahil sa kanya dapat ako magpaalam kasi siya ang bumili nang ref na yun.
Tss, e pakialam niya ba? May magagawa ba siya kung kay Keizer ako magpapaalam?! =__=
"Miss Imaizumi, Keizer mentioned you have three brothers...ba't di ko ata sila nakita dito?" - Shane
"Dinala pa nila yung ibang mga natirang gamit dun sa bahay." Sagot ko matapos uminom.
"ANO?! HOY KUTO, PUMAYAG NA NGA AKONG TUMIRA KAYO DITO PANSAMANTALA TAPOS MAGDADALA PA KAYO NANG MGA KALAT DITO SA TAMBAYAN?! ANDAMI MO NANG UTANG SAKIN AH?!"
"Bakit ba?! Ikaw lang ba ang nagmamay-ari nang tambayang 'to?! Kina Keizer at Shane din 'to noh!"
"HUWAG MO SIYANG TAWAGING SHANE, KAMI LANG ANG TUMATAWAG NUN SA KANYA! KURT JAMES, ITAWAG MO SA KANYA!!!"
"E masyado nang mahaba e! Tsaka huwag ka ngang sumigaw, ang ingay-ingay mo!"
"GANUN KA NGA DIN E!!!"
"Sino bang salita satin ang naka-capital LAHAT?!"
"EWAN KO! ITANONG MO KAY MARCOS!"
"Ako si Marcos, at ang sagot ko dun...si Carloize ang may mga salitang naka-capital lahat! Hohoho!" Si Keizer na nag-iiba nang boses.
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Fiksi RemajaKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...