TTLTCL 8 - When BLOOD strikes!

26 0 0
                                    

Kotomi's POV

Nang maayos na ang pakiramdam ko at natapos narin kaming mag-lunch dun sa clinic ay pinalabas na kami nung nurse. Pwede naman daw akong sumali sa P.E. namin mamaya. Konting sinat lang naman yun e tsaka malakas din 'tong resistensya ko kaya goodbye sakit kaagad ako. Ahahaha! XD

Naglalakad na kami ni Ashley pabalik sa classroom at as usual, ganun pa rin sa loob, magulo. Pero mas lalong gugulo 'to kapag dadating yung––

"Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" Sigaw ng mga babaeng kaklase ko.

"Arraaaaayghh!!" Nabbwiset kong sigaw dahil sa andami nilang nagkakandarapang babae papunta dun sa kanilang tatlong nasa gilid namin (sila Carloize baliw) at dahil sa papasok palang kami dito sa loob ng classroom ay napisa kaagad kami ni Asheley dito sa may pinto. =____=

"Oh, welcome back Ms. Imaizumi. Wala ka na bang lagnat?" Pansin samin ni Kurt.

Ngumiti lang ako ng pilit at si Ashley ang sumagot. "Obvious ba?" Tumawa lang si Kurt sa sagot ni Ashley na umirap din.

Nang magtama naman yung mata namin ni Carloize ay kaagad din naman kaming nag-irapan saka na sila pumasok sa loob ganun din kami.

Agad din namang pumasok yung MAPEH teacher namin kaya nagsimula na kaming magsilabasan dahil sa may P.E. kami ngayon at kailangan naming magpalit ng P.E. uniform kaso nakabihis na ako e kaya di ko na kailangang mag-abala.

Sumama nalang ako kay Ashley dahil sa magbibihis siya dun sa comfort room.

"Tara na?" Yaya ni Ashley nang makalabas na sa c.r., tumango lang ako saka na kami naglakad papuntang gymnasium.

---

"Okay class, we'll be playing...DODGE BALL!" Sigaw nang teacher namin habang naka-sign pa nang rock and roll at may dalang bola ng dodge ball. Wow, rock and roll to the world ma'am. =____=

"Wooooooh!" Sigaw nang mga kaklase kong mga lalake habang naka-rock and roll and din.

"Okay, you'll be divided into two groups. Boys versus girls. Boys at the left, girls at the right." Si ma'am saka na kami nagpunta sa right side at sa left naman yung mga lalake.

"Any questions?" Pahabol pang sabi ma'am.

Bigla namang nag-raise nang kamay 'tong si Carloize baliw. "Ma'am, pwedeng paki-transfer 'tong si La Paz Batchoy sa group ng mga girls, tutal babae naman siya. Diba sis?" Sabay hampas niya ng mahina kay Justine na tinawag niya lang na La Paz Bathcoy kasi mataba ito tsaka bading.

"Ayos lang ba sa'yo yun Mr. Del Prado?" Sabi ni ma'am saka naman siya tumango-tango kaya sinenyasan siya ni ma'am na pumunta sa group namin. Ay, di ba pwedeng Ms. yung itawag sa kanya? Haha.

"The game will start in three, two, one, *prrrt!*" Sigaw ni ma'am saka hinipan yung pito niya.

"Waaaaaah!" Sigaw naming lahat dahil sa nagsimula na kaming magtapon ng mga dodge ball na nasa sahig lang, at nakaka-enjoy! Ayokong matalo kami, kasi paniguradong sinadya yun nang Carloize na yun na dito mapunta samin si Justine kasi nung last P.E. nung nagpabilisan ng takbo, ako ang nakalaban ni Justine kaya damay sa pagkatalo yung mga ka-grupo niya. Actually, last year yun nagyari. Di kami magkaklase, pinag-compete lang ang kada dalawang sections.

"Hoy taba! Lunukin mo 'to!" Sigaw nung isa kay Justine na may hawak na dodge ball. Kaya napatingin ako kay Justine, mukha siyang di mapakali at natatakot.

Agad na tinapon nung lalake yung dodge ball saka naman siya pumkit nang mariin at nakatakip pa yung mga palad niya sa mukha niya.

That tiny little thing called LiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon