Kotomi's POV
KAINIS talaga. Ang aga-aga nambubulabog 'tong si Aling Cora. Buti nalang nakagising kaagad ako, kasi kapag walang pasok..nauunahan ko pa ang tatlo sa paggising.
Nagtungo muna akong banyo para manghilamos. Hay, ang lamig nung tubig, nagising yung diwa ko.
"Kuya, gising na kayo! Magluto kayo nang agahan..gutom na ako!!!" Sigaw ko dito mula sa salas saka sumalampak sa sofa at pinaandar ang t.v.
Ilang minuto rin bago ako nakarinig nang footsteps papunta sakin.
"Kakagising mo lang?" Nilingon ko naman siya. Si Kuya Christian.
"Hindi naman, kani-kanina lang. Tsaka uy kuya..yung bayad daw sa renta sabi ni Aling Cora..sabi niya ititipon niyo nalang yung bayad sa isang buwan na di niyo nabayaran at ngayong buwan daw yun. Shet yung matandang yun ah, ako ang nilabasan nang galit."
"Tch. Sige magluluto muna ako nang agahan natin, gisingin mo na yung dalawang yun sa kwarto."
"Okay." Sang-ayon ko saka nagtungo papunta sa kwarto nila.
(sipa sa pinto) *booogsh!*
Tumakbo ako papunta sa dalawang idiots na nagyayakapan pa at humihilik.
"STEPHEN CURRY..BANG!!!" Saka ko sila pinisa, ansakit kaya nun, inuna ko yung siko ko. Bwahahaha.
"Aray ko! Kuto, alis ka nga diyan!" -Kuya Drake
Di naman ako nagpatinag at naisipan pang higaan silang dalawa.
"I just can't, the sky is awake...so I'm awake. So we have to play."
"Do you wanna build a kuto? Come on let's go and play!" - Kuya Zeke. Grr, panira talaga. Good mood kaya ako ngayon. Kadalasan lang 'to nangyayari. Tsk, Sinasayang nila. =___=
"Hi I'm kuto wanna play?" Si Kuya Drake habang ginagawa pang parang kutsilyo yung kamay niya. At tsaka sila nagtawanang dalawa.
"Hi I'm kuto, and I like warm hugs! Hahaha!" Si Kuya Zeke saka uli sila nagtawanan at nag-apir pa.
.
.
....
.
.
*boooink!*
"ARAAAAAAYY!" Kaagad akong lumabas nang kwarto nila matapos ko silang pag-umpuging dalawa.
"Ano ba't ang ingay niyo dun sa loob?" Salubong na tanong sakin ni Kuya Christian habang nagluluto nang agahan.
"Ah wala. Kinwento nila yung panaginip nila sakin, ang ganda nga e."
"May maganda ba sa sigaw na aray?"
Ay. Mukhang nahahalata niya ata ah. "Kasi, yun yung nasa panaginip niya. Sinampal daw siya nung babae at yun na yun aray daw..tapos."
"Alam mo ewan ko sa'yo bunso..pero itigil mo ang pagsisinungaling mo. Masyadong obvious."
W =______________= W Oh edi sige, ikaw na.
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...