TTLTCL 20 - Your Sorry

8 0 0
                                    

Lunes ngayon at andito kami ngayon  sa canteen, nakatulala..habang kagat-kagat ko yung burger na nasa bibig ko. Kinunan pa ako nang picture ni Ashley saka hinila yung pagkain ko.

Saka na pinitik ni Jasmine ang daliri niya. "Hoy!"

"Aaaaaah!" Tili ko mula sa pagkabigla. Agad akong napahawak sa dibdib ko. "Bakla, mutik na akong atakihin sa puso nun ah!"

"Ano? So may heart illness ka, ganun? Tsk, ba't ba tulala ka?"

"Wala. May iniisip lang." Saka humalukipkip.

"Ano ba 'yang iniisip mo?"

"Wala."

"Hmm..Di maka-get over!" Tukso nilang dalawa sakin.

"Alam mo bakla, ang ingay mo, gutom lang 'yan e. Mabuti pa sigurong kumain ka, para mabusog ka." Saka ko sinaksak sa bibig niya yung burger na kinakain ko kanina mula kay Ashley.

"Eww! Ano itey?!" Sigaw ni bakla sabay turo dun sa laway kong nasa burger.

---

Lutang akong naglalakad patungo sa classroom ko sa major subject namin kasama si Jasmine. Si Ashley kasi ay ibang major yung kinuha, Culinary. Samantalang kami ni bakla, computer.

*flashback*

Nagkatitigan parin kami ni baliw, di ko alam pero sabi nga sa kanta..'can't take my eyes off you' daw.

Narinig ko naman ang pag-capture nang picture ni Ashley.

"Ayiee, remembrance!" Kilig na bulong ni Ashley saka pinakita sakin yung picture.

Nanlaki ang mga mata ko. Picture yun na nagkatitigan kami ni baliw in five seconds!

"Hoy, Ashley ano ba! I-delete mo nga 'yan!" Bulong ko.

"Nope, not until makagraduate tayo nang Highschool!" Sumigaw talaga ang lokang 'to.

"Ano?! Hoy, Ashley..di ka nakakatuwa 'yan ah! Akin na 'yan!" Sigaw ko saka lumapit sa kanya, kaso agad niyang nilagay sa loob nang bag nya saka ako binehlatan. Aba, ah!

"Oh! So, tapos na ba? Ako naman ang kakanta." Sabi niya dahil mukhang napapansin ata yung bulungan namin kaya lumapit na siya kay baliw at kinuha yung mic.

Dahan-dahan kong kinuha ang bag niya nang agad na nagsalita si Jasmine.

"Chupi chupi 'yang kamalu mo Tomi! Kung ayaw mong isumbong kita sa mga kuya fafabelles mo, and worst na baka ma-Rita Avila sila sa'yo." Pagbabanta nang baklang 'to sakin.

Inikot ko ang mga mata ko sa inis. Tsaka anong pinagsasabi nang baklang 'to? Kamalu? Fafabelles? Rita Avila? Sino 'yang mga 'yan?! As far as I've known, wala kaming ganyang language teaching sa FNA.

"Wooh! Itaas ang bandera nang mga Gourgina Wilson!" Supportive na sigaw ni Jasmine kay Ashley habang kinakawayan ito nang panyo.

---

Kumakain na kami nang hapunan, nasa hapagkainan kami nang bigla kong naramdaman ang uhaw kaya agad akong kumuha isang basong tubig nang may lumipad na insekto sa gilid ko kaya nasaboy ko yung tubig kay Carloize.

Sabay kaming nanlaki ang mga mata sa gulat. Oh-Nows. Di ko sinasadya..

Dahan-dahang tumingin sakin si baliw saka namula ang mukha niya sa galit.

That tiny little thing called LiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon