Carloize' POV
What the fuck?! Anong ginagawa nang baliw na'to dito? Bwiset, palagi ko nalang ba makikita 'yang pagmumukha niya. Kasi kahit saan ako magpunta andun sya. Kulang nalang, samahan niya akong maligo, magbihis at tumae!
"Ikaw na naman huh, baliw?! Pwede ba stop stalking me?"
"Diba assistant niyo ako? E, hanggang ngayon..wala ka parin naman inuutos sakin e? Anong purpose nang pag-ttrabaho ko sa inyo?" Aba, nagrereklamo ang baliw na'to! Sisantehin ko 'to e!
"Ah ganun? Gusto mong utusan kita? Isa lang naman ang utos ko sa'yo e..yung umalis ka at huwag na huwag mo nang ipakita 'yang pagmumukha mo sakin!"
Nag-pout naman siya "Naman eh!" Saka siya napapadyak. Tss. Mukha siyang tanga.
"Alam mo Keira, why won't you join us? May kasiyahan sa tamabayan."
Bigla namang nagliwanag ang mga mata nang baliw nato. "Talaga? Sige!"
"Wha--" Di ko natapos ang sasabihin ko nang magsimula na silang maglakad. "Hoy, ayoko! Huwag niyo siyang isama!"
Pucha! Ba't ba ang tigas nang ulo nung babaeng yun? Sunod nang sunod? Di na ako bata! Akala mo mamamatay na yung binabantayan niya kung makabantay e! Tch.
Napatigil naman ako at mula sa nakabusangot kong mukha ay bigla itong napalitan nang nakakalokong ngiti. Bwahahaha! I have a plan but in the right time.
---
"Hi Kotomi! Hi din guys!" Bati nang baliw na'to kay kuto, lisa at kay La Paz Batchoy. Hey let me change it..si Kuto, Lisa at si Kuyumad nalang para one big happy family.
Nakita ko namang may binulong yung si kuyumad kay kuto saka sila pumilit na ngumiti samantalang si kuto naman ay tumango lang.
Kaagad naman na nagtatakbo si Keira dun sa kinauupuan nilang tatlo.
Tumabi siya kay kuto kaya napa-usog yung dalawa pang kuto. Nakita ko naman ang pag-ikot nang mga mata nila. Hah, mukhang ayaw ata nung dalawa sa kanya. I can sense them based on their reactions.
Well, nakakainis naman talaga ang babaeng 'yan. Haha, buti nga at may karamay ako e.
"Prince Dominant, halika ka po dito!" Yaya ni baliw kaso inirapan ko lang siya saka na ako pumunta sa mga kuya ni kuto. Ayoko maki-girls talk sa kanila, baka ma-OP pa ako noh.
"Hoy, isasaksak ko 'tong isang controller. One on one tayo." Sabi ko kay Drake na naglalaro nang PS2.
"Tch, sige. Patapusin mo muna 'tong laro ko."
Kotomi's POV
'Tong si bakla talaga kung anu-ano ang mga pinagsasabi. Binulong niya kasi sakin kanina na feeling close daw si Keira. Pero di ko nalang pinansin yung sinabi niya at nginitian si Keira.
Ba't ba sila nagagalit kay Keira, wala namang ginagawang masama yung tao ah? Pero ang isasagot lang nila, may naaamoy silang malangsa kay Keira.
Ngayon, nag-uusap kaming apat. Yung dalawa naman di masyadong sumasagot, nagpapanggap na di narinig yung tanong ni Keira saka sasabihing 'ha?' tapos tango-tango lang at gagawa nang sarili nilang topic, kaya pinandilatan ko sila nang mata na nagsasabing 'pansinin niyo naman siya look'.
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...