TTLTCL 16 - Confused Feelings

4 0 0
                                    

Kotomi's POV

Nakaupo lang ako sa likod nang tatlong mga baliw na'to habang pinapanood silang nakatitig nang masama dun sa ipis at may dala pa silang Baygon spray.

"Walangyang ipis ka, kinagat mo ang mata ko. Tingnan mo nga ang ginawa mo?! Mukha akong may blackeye!" Bulong na sigaw nitong si Kuya Drake dun sa ipis.

"Sigurado ka bang 'yan ang ipis na kumagat sayo?" Pagtatanong ko, tss para akong nakikipagusap sa may amats e.

"Oo sigurado ako! Siya lang naman ang nag-iisang ipis dito e!" Wow, siguradong-sigurado ah. -__-

Napasimangot nalang ako dahil mukha silang mga timang na naghihintay nang tamang pagkakataon para sprayhan ang ipis na 'yan.

"Oh, gising na pala kayong apat?" Biglang pagbukas nang pinto ni Keizer mula dun sa labas kaya lumipad yung ipis na ikinasigaw nilang tatlo at tinutok kaagad ni Kuya Christian yung spray dun sa lumilipad na ipis.

*shoook!*

"Arrrrghh!" Sigaw ni Kuya Drake saka siya natumba. "Ahahahahaha!" Tawa ko nang malakas, dahil sa nasprayhan lang naman yung mata niyang nakagatan nung ipis.

Patumba-tumba pa siya, habang sinubukan niyang tumayo habang hawak niya yung mata niya.

Habang ako tawa nang tawa parin na parang wala nang bukas.

"Manahimik ka nga kuto!" Sigaw niya saka tinapon sakin yung spray, kaya natamaan yung noo ko.

"Aray! Ano ba! Masama bang tumawa?! Laughter is the best medicine diba?!" Sigaw ko habang sapo yung noo ko.

"Too much laughter has no medicine!"

Napatigil naman ako at bigla ko nalang naalala nung muntikan na akong mahulog dun sa gusali at yung pagsalo ni baliw sakin.

"Argh. Bwiset. Panira talaga!....Ay Keizer, andyan ka pala. Sensya ka na, medyo nagsasaya lang kami dito sa tambayan niyo." Tss, kung alam mo lang, nabasag nila yung vase na andun sa kwarto, kakahunting nang ipis na yun. =__=

"Ah wala, sige gusto ko lang namang makita kung kamusta kayo e! Geh, bye. Oy, Christian..billiard tayo mamaya."

"Geh, brad." Sagot ni Kuya Christian saka na lumabas si Keizer.

"Brad? Walangya ka, may call sign ka pang nalalaman ah?" Sabat ko saka pinasa sa kanya yung spray.

"Di kayo bagay!" Singhal nang dalawang pakialamero sa likod ko.

"Kayo ba kausap ko? Manahimik nga kayo!"

Bigla namang bumukas uli yung pinto, si Keizer.

"Tomi, sabay ka na sakin."

----

Ayieee. Oo nga, sumabay ako sa kanya papuntang school. Pwahaha, di nga ako makagalaw nang maayos dito e. Baka kasi makagawa ako nang wrong move na ikakaturn-off niya. XD

"Galaw-galaw naman diyan, baka mastroke." Biro niya.

"Kung alam mo lang, kanina pa nangangati 'tong ulo ko. Pwede ko bang kamutin?"

"Haha. Ba't nanghihingi ka nang permiso sakin? You can do what you want."

"Di ka ma-tturn-off?"

Napatingin siya sa pag-ddrive at nag-isip. "Why would I?"

"Kasi, nakakadiri."

That tiny little thing called LiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon