[A/N: Carloize Mendoza on media. ]
"Dali na!" Anyayang sigaw ni Kuya Drake na patakbo papunta sa labas nang pinto. Buti pa sila nagmamadaling pumunta sa school, e sa ako..hay. Pero kakasabi lang nina kuya na kailangan kong lumaban kapag may mam-bully man sakin. Kung sasaktan ka na, kailangang isumbong. Pero kasi, para naman akong bata nito e. -__-
Ni-lock na ni Kuya Christian ang pinto saka si Kuya Zeke naman pumara nang traysikel na papalapit samin.
"Hoy Kotomi, ano pang ginagawa mo diyan? Lika ka na dito!" Sigaw ni Kuya Drake, nakatayo pa kasi ako dun.
"Ah, maglalakad nalang ako." Suhestiyon ko.
"Ano?!" Sabay na sigaw nilang tatlo.
"Huwag nga kayong OAyng tatlo! Ayos lang sakin mag-commute, di naman kasi ako masyadong excited katulad niyo sa pagpasok. Saka may pupuntahan muna ako saglit. Kaya mauna na kayo, kasi mas malapit lang naman yung school ko dito, at pwede lang lakarin."
"Sigurado ka? Baka maka-salubong ka nang manyakis diyan?" Paniniguradong sabi ni Kuya Christian.
"Umaga ngayon, kaya impossible po 'yang sinasabi niyo." Giit ko.
"Baka naman ma-holdap ka diyan sa tabi-tabi?" Pananakot naman nitong si Kuya Drake.
"O baka may kidnapper tsaka ka ipapasok sa isang kotse at di ka na makauwi?" Si Kuya Zeke.
"Wow, salamat sa sobrang pag-aalala pero kahit na anong pananakot niyo..magco-commute ako!!!" Sigaw ko saka na sila tinalikuran.
Bigla namang sumulpot sa gilid ko yung traysikel na sinakyan nina Kuya.
"Hoy Tomi, ingat ka papuntang school ah!" -Kuya Christian
"Kuto, uwi ka kaagad!" - Kuya Drake
"Tomi, tumaya ako sa lotto, pakitingnan kung anong lumabas sa suertres mamayang alas kwatro." - Kuya Zeke
Sasagot pa sana ako nang humarurot na yung traysikel. Nakain ko pa yung usok mula dun sa traysikel kaya ako ubo nang ubo dito. Asar! -__-
Inayos ko yung pagkakalagay nang strap nang bag dun sa balikat ko saka na naglakad ulit.
Bigla namang may asong German Shepered ang sumalubong sakin saka tahol nang tahol dahilan para mapaatras ako.
"Ugh..." Naiilang kong ungol, natataranta kasi ako. Parang maya-maya lang..kakagatin niya na ako.
"Umm, stay. Stay, doggy. Good doggy." Paamong sabi ko, saka sana siya ipapa-pat sa ulo nang tumahol pa siya nang mas malakas saka umabante papunta sakin kaya napatakbo na ako.
"Kyaaaaa! Please, huwag mo akong kagatin! Di naman kita inano e!" Nagmamakaawang sabi ko habang tumatakbo. Kainis, sana sumama nalang kasi ako kina kuya e. Pero may pupuntahan pa naman din ako at sa iba ang daanan. Haay, malas na buhayng 'to.
"Sige ka, hahawain kita ng kuto. Ayaw mo naman magkakuto diba? Sayang naman ang breed mo kung marami kang kuto!"
*Arf! Arf! Arf*
"Heh! Tingnan natin ang bilis nang takbo mo! Akala mo ah, cheetah ata 'to!" Sigaw ko saka naman ako napahinto dahil sa may kotseng huminto sa harap ko. Teka, kidnapper ikaw ba 'yan?
Agad na bumukas ang winshield nung sasakyan. "Get in the car." Ani nung babaeng naka-sunglasses habang may nakasuot nang unipormeng katulad nung sakin saka may nakasabit sa na isang kukay brown na parang feather ng manok sa leeg niya. Aw, akala ko naman kidnapper 'to e, estudyante lang din pala.
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...