TTLTCL 11 - Joyride

12 0 0
                                    

Naglalakad na ako dito sa labas at inikot-ikot yung paligid ko. Minsan lang kasi ako makapag-lakwatsa, kaya lulubusin ko na.

Napakamot na naman ako ng ulo ko.  Aish, at dalawang kamay ko na ang nagtutulungan pero di parin mawala ang kati.

"Bwiset, ayan na naman tayo oh!!" Bulalas ko dahil sa sobrang kati nung ulo ko.

Napatingin naman ako sa isang shop na may  maraming t.v. Sa loob nang isang transparent glass.

Nakita ko yung mukha ko dun sa lahat ng t.v. at nakalagay parin yung mga kamay ko dun sa ulo ko.

Dahil sa walang magawa e, pinagtripan ko naman yung mukha ko saka ngumiti ng malawak. Pinalaki ko pa butas ng ilong ko, haha.

"Uso na pala ang pag-wacky sa harap ng mga t.v.?"

Napabalik naman ako sa matino kong mukha nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

O____________O

"Keizer? Anong ginagwa mo dito?"

Napangiti siya. Waaahh, crush ang gwapo mo! Aylabyu!

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan? Di ka naman mahilig gumala ah?"

Napakamot ako sa batok. Siyempre, kailangang mag-pabebe effect ako noh, para magmukha akong cute. :p

"Ano, kasi wala lang. Sige, uwi na ako." Crusssh, pigilan mo akoh!!

Mga nakakailang hakbang na ako pero di ko talaga siya narinig na pinigilan niya ako o tinawag man lang, 'yan na nga ba ang sinasabi ko e.  Assuming lang ako! Pero bakit ba, crush ko siya e. Intindihin niyo ako, maka-react kayo diyan..parang wala kayong mga crush e!

Nakatungo lang ako habang naglalakad nang biglang may sumulpot na kotse sa gilid ko.

"Kotomi.." Napatingin naman ako sa direksyon nung tumawag sakin, at si Keizer yun! Waaah, siya nga. Bumalik siya!! Hoho!!! Dali-dali, magsama na tayo! Ilayo mo ako dito. Haha, JOKE LANG! XD

"Sabay ka na.." Anyaya niya.

"Teka, paano mo nalaman pangalan ko?" Di makapaniwalang tanong ko.

Napatawa siya. "Nakalimutan mo na ba, classmates tayo ." Ay shet, oo nga noh. =__=

"Ah, ano nga uli yung sinabi mo kanina?" Pagbalik tanong ko.

"I said, sabay ka na." Sagot niya.  Amfufu, hiya ako.

"Sigurado ka? Ayos lang ba sa'yo? Nakakahiya naman."

"No, I insist. Please.." Sabi niya saka niya ako pinagbuksan ng pinto.

Kaya pumasok nalang ako sa kotse niya. Mapilit siya e, pero gusto ko naman. =___=

"Saan ba tayo pupunta?"

"Joyride tayo." Sabi niya saka ako nginitian, kaya gumanti din ako saka umiwas kaagad. Di ko kasi mapigilang ngumiti at mamula ang mukha ko kaya ako umiwas kaagad.

"Saan?" Tanong ko nang mahimasmasan ako sa kilig.

"Kahit saan."

_______________

"Nga pala, kailan ka pa nagkaroon ng lisensya? Diba di ka pa ume-eighteen, tapos makapag-drive ka na ng kotse?"

"Ever since grumaduate kami nina Carloize at Shane sa elementary dun na kami sinanay na magmaneho ng mga kotse, o motorsiklo."

"Ah ganun ba? Ano ba ang ginawa niyo para makakuha kaagad ng lisensya?"

"Actually, pumasok kami sa isang driving school. Pero di pa namin nakukuha yung mga lisensya namin. Kaya sa gabi lang namin nilalabas ang mga kotse namin."

That tiny little thing called LiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon