Carloize' POV
Bwisit. Argh, kainis. Di ko talaga maisip na ang isang katulad niya ang gagawa ng ganung kahayupan sakin! Akala niya ah! Di ako dapat magpatalo sa kanya! Kailangan kong bumawi!
Di ko matanggap na mapapatumba ako ng isang hampaslupang sagana sa kutong babaeng yun. Shit!
"Oh pare, dahan-dahan lang sa pagtira diyan sa mga billiard balls, nahuhulog na kasi sa sahig yung ibang bola." Akbay sakin ni Shane.
Inalis ko naman yun. "Huwag mo nga akong istorbohin. Nag-iisip pa ako ng paraan para makaganti! Di ko papalampasin ang ginawa niya sakin! Wala pang iba ang gumawa sakin ng ganun!"
"Tss, ba't mo pa pinapahirapan ang sarili mo sa pag-iisip? Edi gawin mo yung mga breath-taking tricks mo, katulad nalang nung mga estudyante sa FNA. Dating-gawi pre." Tapik niya sa balikat ko.
Teka, may point nga si Shane. Ba't pa ako nag-iisip? E sa kaya ko rin naman siyang pahirapan katulad nung mga estudyante dun sa FNA. Hmm, humanda ka saking babae ka. As far as I've known, pinasearch ko yung docouments niya sa FNA at nakakuha sila ng copy nun at ang pangalan niya ay Kotomi Imaizumi, sabi nga ni Keizer..may kakilala siyang Imaizumi ang apelyido, pero yun nga lang hindi babae, kundi lalake.
Napatawa naman ako saka ko ginulo ang buhok ni Shane. "Ang talino mo talaga. Pero sa tingin ko ngayon lang 'yan gumana. Kasi pagdating kasi sa babae, kakampi ka na kaagad sa kanila."
"Psh, pasalamat ka nga't tinulungan pa kita e." Sagot niya kaya di ko nalang siya pinansin saka nagtungo dun sa may veranda ng tambayan.
Third Person's POV
Napansin naman nina Shane at Kei ang pag-iling ni Carloize mula dun sa veranda habang nanonood sila ng t.v.
Kakasira lang nung t.v. dahil sa kay Carloize, pero agad din namang napalitan kaagad.
"Ano na naman bang sinabi mo kay Carloize?" Tanong ni Kei kay Shane.
"E sa pinapahirapan niya pa kasi yung sarili niya sa pag-isip para makaganti dun kay Kotomi, e sa sinabihan ko nalang na gawin niya yung dating ginagawa niya."
"Hay, ikaw talaga." Si Kei habang napadikwatro habang umiinom ng canned softdrink saka nilipat sa ibang channel yung pinapanood nila.
.--.
"Kuto! Andito na kami!" Sigaw ni Drake pagkabukas ng pinto.Sina Christian at Zeke naman agad na umupo sa sofa at pinaandar ang t.v.
"Hoy, asan ba si Kuto? Ba't walang nasagot?" - Drake
"Baka andun lang yun sa kwarto niya. Hayaan mo na yun. Baka nag-aabduct na naman yun ng kuto." - Christian
"Tss, ba't kasi andami niyang kuto? Ba't di maubos-ubos?!" - Zeke
"E sa normal lang kasi yun. Tayo ngang mga lalake, nagkakabalakubak e."- Christian
"Alam ko naman, pero ba't--hay ewan, ang hirap ipaliwanag!" - Drake
Tinapon naman ni Zeke yung unan kay Drake. "Sabi ng normal lang yun e! Tsaka masisisi mo ba siya kung marami siyang kuto? E nagsusuyod na nga siya diba? Psh."
"Sige, kampihan niyo na yung si Tomi! Magsama kayong tatlo!"
"Heh! Huwag kang magmaktol! Siya kaya ang bunso sa'ting apat! Huwag kang ka ngang umarte ng ganyan! Di bagay sa'yo!" - Christian
"Huhu! Sama niyo! E sa natatae lang naman ako kaya ako nagkakaganito e!" Sigaw ni Drake saka nagtatakbo sa c.r.
"Tss, gago, kaya pala ang baho." - Zeke
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...