Kotomi's POV
"HOY BALIW, ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Napatingin ang lahat kay Carloize nang bigla itong tumayo at sinigawan yung bagong estudyante.
Suminghap siya, nang makita si Carloize. "PRINCE DOMINANT!!! DITO PALA YUNG CLASSROOM MO, YIEE..DESTINED TAYO!!" T-teka, obssesed ba siya kay Carloize? o_____O
"KAPAL NANG MUKHA MONG BABAE KA! UMALIS KA NGA DITO SA PAARALAN KO!" 'Tong si baliw naman, tinataboy siya.
"Excuse me Mr. Mendoza..what is this boisterious chatter the both of you yelling about? Magkakilala ba kayo?!"
"YES!" - Keira
"NO!" - Baliw
Suhestiyon ko, maybe, para sure...=__=
"Yahh, you're such a liar talaga!"
"Manahimik ka mongoloydie..Lumayas ka na dito, ayoko makita ang pagmumukha mo!"
..at matapos ang ilang minutong pag-aaway nilang dalawa, walang nagawa si Carloize kasi pinaupo na siya ni Mr. Navasquez.
~*~*~*
"Ano kayang meron sa Keirang yung? Anong relasyon ang meron silang dalawa?" Si Ashley habang andito kami sa canteen, kumakain ng lunch.
"Oo nga eh, tingnan mo nga ang babaeng 'yan. Ang clingy kay Carloize, sarap sabunutan!" Nanggigigil na sabi pa ni Justine na nakanguso sa kinauupuan ni Carloize kasama si Keira at yung dalawa.
Napatingin naman kaming dalawa ni Ashley sa lokasyon nila.
Napatakip nang kamay si Ashley nang makita niyang sinusubuan ni Keira si Carloize kaso tinabing ni baliw yun.
Kaagad akong umiwas nang tingin, tss..pakialam ba nila diyan? Ano bang meron kung may relasyon silang dalawa..tsaka kung meron man, paano naman nangyari yun..ansama kaya nang ugali nang lalakeng 'yan tsaka mukhang mabait yung si Keira..
"Hoy, lalim nang iniisip mo?" Si Justine, kinulbit ako.
Napatingin ako sa kanya habang nakapanglumbaba. Saka napabuntong-hininga at uminom dun sa juice.
"Selos ka noh?" Dagdag niya pa na muntik kong maidura yung juice na iniinom ko.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako? Magseselos? Sa isang baliw na katulad niya..kahit na maging rainbow pa ang kukay nang uwak..di mangyayari yun."
"Ahem. Defensive. *click!*" Si Ashley na kinunan na naman ako nang litrato.
"Tingnan mo nga 'to Jasmine.." Tss, nga pala..Jasmine ang tawag ni Ashley kay Justine at ganun din daw dapat ang itawag ko sa kanya. =___=
May pinindot naman siya dun sa camera niya saka narinig ko nalang uli yung mga salitang nasabi ko kanina.
'Ako? Magseselos? Sa isang baliw na katulad niya..kahit na maging rainbow pa ang kukay nang uwak..di mangyayari yun. ~'
"H-hoy, i-delete mo nga 'yan!"
"Di pwede!"
"Haha, i-play mo ulit girl."
'Ako? Magseselos? Sa isang baliw na katulad niya..kahit na maging rainbow pa ang kukay nang uwak..di mangyayari yun. ~'
'Ako? Magseselos? Sa isang baliw na katulad niya..kahit na maging rainbow pa ang kukay nang uwak..di mangyayari yun. ~'
Ako? Magseselos? Sa isang baliw na katulad niya..kahit na maging rainbow pa ang kukay nang uwak..di mangyayari yun. ~'
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Teen FictionKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...