Carloize' POV
Kanina pa dada ng dada 'tong kuto na'to. Kaya ayun tuloy napala niya, nahulog sa building. Pasalamat siya nasalo ko siya. She owe me her life, and she should've thank me of what I've done.
Pero instead na yun ang gawin niya, she just said na 'Hoy, ba't mo 'ko sinalo?!' Like, what the hell is that?! Tsk, tsk, tsk, palibhasa kasi...mahirap, di marunong magpasalamat. -___-
'Hoy, kahit na mahirap kami, gumagalang at rumerespeto din kami noh, di katulad niyong mayayaman, masyadong matapobre!'
Bwisit. Kahit ba naman sa isip ko, naririnig ko ang boses ng babaeng yun. Tss, kailan ba siya titigil sa pag-sstalk sakin?!
'Wow ang hangin ah!'
Ayan na naman! Tss, siguro iniisip ko lang din yung mga sasabihin niya sakin sa mga naiisip ko. Kasi parang alam ko na kung paano siya rumeact sa mga sinasabi ko e.
"Ibaba mo na nga akong baliw ka!" Napabalik ako sa reyalidad nang bigla sumigaw 'tong kutong buhat ko.
"Edi bumaba ka mag-isa mo, kailangan pa ba kitang alalayan. Ano ka, na-stroke?!"
"Argh. Bwisit talaga!" Sabi niya saka na siya kumawala sa pagkapit sakin saka na bumaba.
"Hoy, saan ka pupunta?!" Sigaw ko sa kanya, bigla nalang kasing aalis nang di man lang nagpapasalamat, tsaka parang di man lang napobya dun sa nangyari sa kanya. Manhid niya din noh.
"Edi sa classroom, 'san pa ba?!" Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Wala man lang 'bang thank you?"
"Wow, infairness naman po sa inyo? Nangangailangan pala kayo ng pasasalamat, samantalang sa dami ng nagkakandarapang babaeng nagbibigay sa'yo ng regalo, ni hindi mo man lang nagawang tanggapin, ang magpasalamat pa kaya sa kanila?! Tapos ngayon, gusto mo 'kong magpasalamat sa'yo?! 'San ako magpapasalamat, dun sa mga pinanggagawa mo sa mga estudyante dito?!"
"Kailangan mo akong pasalamatan kasi DOMINANTE ako!"
"Dominante ka?! 'San banda, dito?!" Sigaw niya saka bigla ko nalang ikinagulat nang...
*boogsh!*
"Ughhhh--ray!!" Napaluhod ako sa sahig nang biglang sinipa nang babaeng 'to ang pagkalalake ko. Bwiset, ansakit ah. Kapag nabaog ako, ipapagahasa ko siya sa isang basurero.
"P-problema mo? Pagsabi lang ng thank you, di mo kaya?!" Dagdag ko pa.
"Di mo ba narinig? Nag-thank you kaya ako diyan sa pagiging DOMINANTE mo." Sabi niya pa habang nakaturo dun sa 'ano' kong sinipa niya, gamit yung nguso niya. Sh*t lang.
Kotomi's POV
Nung makarating ako sa loob ng classroom kaagad din namang akong sinalubong nina Justine at Ashley at bakas sa mukha nila ang sobrang pag-aalala.
Agad namang nag-sorry si Justine kaya kaagad ko namang tinaggap yun. Wala naman siyang kasalanan e, ako yung nagpumilit na kunin yung bag ko.
Si Ashley naman may video pa nung pangyayaring yun. Kaya nasinghalan ko siya. Pero remembrance daw yun. Shet, tsaka sila tatawang dalawa habang nagpa-panic ako dun sa video. Ambait naman nilang kaibigan. Andali din nilang maging close sa isa't-isa.
"Akala ko ba kukuha ka ng lubid?! Ba't di ka nakarating ka kaagad?"
"Di na kasi kami pinaakyat ng mga teachers tsaka nagtawag na din sila ng ambulance, bombero, and vice versa. Pero nung nasalo ka na ni CARLOIZE, pina-cancel nalang nila yun."
"Tss, kailangan talagang i-emphasize ang taong 'yan?! Tsaka, ba't ambulansya't bombero?! Wala namang sunog, tsaka di pa naman ako patay!"
"Just in case lang yun noh, para sigurado." Sabat nitong si Ashley.
BINABASA MO ANG
That tiny little thing called Lice
Ficção AdolescenteKotomi Imaizumi versus Carloize Mendoza. Ang ulila katapat nang sikat na prinsepe. Ayaw nila sa isa't isa at palaging nagbabangayan, hanggang sa nauwi sa paghihiganti. Pero sa paghihigantihan nila ay ginagantihan lang sila nang kamalasan na magkita...