TTLTCL 7 - For the First Time in FOREVER

31 1 0
                                    

Carloize' POV

"Oh ano? Nagawa niyo bang mabuti?" Tanong ko dun sa mga estudyanteng inutusan ko.

"O-opo, Prince Dominant." Nauutal pa nitong bruhong nasa harap ko.

"Tss, and then? Asan siya?!"

"Di po namin nakita e." Nakatungo niyang sabi.

"ANO?!" Napatayo ako mula dun sa couch dahil sa sinabi niya. "E wala pala kayong mga kwenta e! Magsilayasan nga kayo dito sa harap ko!" Sigaw ko saka ko sila tinutukan nung kutsilyo kaya agad din naman silang nagsitakbuhan kaagad.

"Psh. Mga wala talagang kwenta." Sabi ko saka ko binalik yung kutsilyo na hiniwa dun sa cake mula sa lamesa.

"Easy bro. Yun lang naman ang importante diba? Ang makabawi ka? Oh, nagawa mo naman ng maayos ah? Ano pa bang kulang?" Panimula ni Kei.

"Kailangang pumunta siya dito, tsaka siya mangingiyak-ngiyak at magsasabi sakin ng sincere at pure-hearted sorry."

"E, sa pinagawa mo na naman 'yan sa kanya diba? Pero, nasuntok ka lang nun pre. Gusto mo isa pa?" - Shane.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Free sample gusto mo?" Sabi ko habang pinapakita ko sa kanya yung kamao ko.

"Hehe, kalimutan mo na yung sinabi ko." Saka siya uminom dun sa hot chocolate mula dun sa porcelain cup.

Andito kami ngayon sa tambayan ng school. Dalawa ang tinatambayan namin. Yung isa nasa malapitan lang dun sa mga bahay namin tsaka dito rin sa school.

Yung mga gagong nautusan ko, paniguradong nag-ditch na yun ng klase nila dahil sa todo hanap lang naman sila sa Kotomi na yun.

Haha, nakakatawa yung reaction ng Kotomi na yun. Di kasi niya namamalayan na may camera sa bawat sulok ng eskwelahan except sa rooftop at C.R. para siyang CCTV pero hindi siya black and white kaya alam ko kung anong pinagagawa niya dun.

Mukha siyang natataeng ewan dun sa scene na binuksan niya yung box tapos nakita niya pa yung ulo nung kaibigan niyang si Ashley.

Psh. Di naman yun totoong ulo ng tao e. Napaniwala din naman kaagad siya. Isa lang yung binake na pastry na mukha ng tao saka pina-imitate lang yung mukha ng kaibigan niyang si Ashley saka niligyan ko narin ng wig para magsigaw siya sa takot. At di nga ako nagkamali sa inakala ko. BWAHAHAHA!

Yung mga body parts na kinain nung mga skaters, ganun din, pastry lang din yun saka pinalagyan ko ng Red Bavarian cream, para sa artificial na dugo.

Oh diba? Ang galing ko noh! Demonyo na kung demonyo, kasi ako ang magiging sagabal sa buhay niya. Tingnan lang natin kung hanggang saan 'yang tapang niya!

Ashley's POV

Sobrang nagulat ako nung makita ko yung itsura ni Kotomi dun sa c.r. ng swimming / pool area.

Pero mas nagulat ako dun sa sinabi niyang dapat daw patay na ako. Anong meron ngayon kay Kotomi? Baka di pa siguro yun nakapag-almusal, tsaka ba't andaming mantsa dun sa uniporme niya?

Hay! Andami kong gustong itanong sa kanya kaso tinakbuhan lang naman kasi niya ako. Paano ko na siya hahanapin niyan, e sa male-late na din ako sa klase kapag hinanap ko pa siya. Tsaka kapag nag-ditch naman ako ng klase para hanapin siya, tatakbuhan lang ako nun. =___=

//

"Kotomi Imaizumi?" Nag-aatendance si Sir Navasquez dun sa harap nang banggitin niya ang pangalan ni Kotomi kaya tinaas ko yung kamay ko.

That tiny little thing called LiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon