Nakakakaba.Nakakaexcite.
Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako sa school na 'to.
Ang pangarap kong University, St. Claire University.Naglalakad na kami ni Kaye papunta sa room 305 sa business management building.
"Kaye, yun na oh." Sabi ko, nakita ko na kasi yung room.
"Dana, kinakabahan ako."
"Sino bang hindi? Haha. Tara na!"
Hinila ko na sya.Maiingay na kaagad sila samantalang first day palang.
Ako nga pala si Dana Javier, 16 years old. College na ako. 5'3 ang height, mahaba ang buhok ko na mejo brown, pero natural. Si Kaye Javier ay pinsan ko parehas kami ng course, kung maputi na ko mas maputi pa sya at ang cute nya, 4'8 ang height nya pero mas matanda pa sya sa akin. ^_^
"Good morning! I'm Arnie, I'm the former president of business organization. And, dahil first day ako muna ang titingin sa inyo dahil inaayos pa ng mga professors ang schedules nila. So, first thing to do is introducing yourself." Sabi ni Kuya Arnie.
Lalaki sya e, kaya kuya. Pero mukang ate. Hihi
Nakapagintroduce na kami. Mejo boring, kami lang ni Kaye ang naguusap. Yung iba pala ay magclassmate na noon kaya ganito sila kaingay.
"Hi Dana, I'm Tricia i like you. Pede bang maging friend kita?"
Really? May gustong makipagkaibigan sa akin? Haha.
"Oo naman. :-) "
Naging kaibigan namin si Tricia. Mabait sya pero may ugali akong ayaw sakanya, masyado kasi siyang malapit sa mga lalake.
"Hoy Jan Michael Yu ano ba yan first day of school libro na agad yang hawak mo! Sa 2nd day na yan! Hahaha."
Ang lakas ng boses nung Shane, Shane nga ata. Napatingin naman ako sa sinabihan nya.
Awww. Hihi. Ang pogi naman. Kayumanggi sya, matangos ang ilong, mejo singkit, manipis ang labi na mejo pink, mukang matangkad yun nga lang payat.
"Pede ba Shane tigilan mo ko."
Sabi ni Jan Michael.Halatang hindi siya palaimik. Kahit nung nagpakilala siya kanina, pangalan at age lang ang sinabi nya.
--+++---+++---+++----+++----+++---
Hello guys. :) feel free to vote and comment. :) 2nd story ko po ito, ang una kong story ay "The simple girl meets the Cassanova Heartrob" basahin nyo din po. :)--Yhann18