"Kanina ka pa jan?" Tanong ko.
"Hindi naman. Kadadating ko lang, bakit?" Hay! Buti naman, akala ko narinig nya eh.
"Wala naman. Naligaw ka yata dito?" Pag-iiba ko ng topic.
"May sasabihin sana ako, kaso nakalimutan ko. Sige! Balik muna ako sa office." Parang may kakaiba sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko nang pagtalikod nya.
"Yeah." Tska sya lumabas sa office.
May problema kaya sya? Haaay! Mamaya ko nalang siguro sya kakausapin, marami pang trabahong nakaabang sa akin.
"Dana, pakicheck naman ng status ng mga orders and returns." -Sir Migs.
"Sige po Sir."
Pumunta ako sa Acct.Dept. Tiningnan ko ang status and updates. Nang malaman ko iyo ay agad ko ding sinabi kay Sir Migs. Inayos ko ang mga kailangan nyang files, halos maubos ang oras ko sa paggawa ng mga letters, print dito print doon ng mga kailangang files. Dito na din ako ng lunch, hindi ko alam kung matatawag bang lunch ang isang tasa ng kape at tinapay.
Bandang alas tres ng hapon ako lalabas papunta sa tatlong stores ng Mortera para icheck iyon. Makakasalubong ko sana si Bryan pero lumiko ito, hindi ko alam kung nakita na nya ako. Para talagang may kakaiba sa kanya ngayon, baka nga may problema sya. Hindi ko nalang muna sya kukulitin ngayon, kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko.
Bryan POV
Tama yung narinig ko kanina, she's living with her crush. Si Jm pala yung gusto nya, hindi naman ito halata sakanya nung nasa Tagaytay kami si Jm pa nga ang halatang may gusto sa kanya.
Nakita kong palabas si Dana, papunta siguro sya sa stores magkakasalubong sana kami pero pinili kong dumaan sa kabilang way para hindi ko muna sya makausap. Hindi din naman sya nakatingin kaya alam kong hindi nya ako napansin, ganito muna siguro. Hindi ko pa alam kung paano ko sya kakausapin, alam kong wala naman syang kasalanan pero nasasaktan naman ako.
*bzzzzzt.. bzzzt..
Incoming Call
• Tito Migs
"Tito?" Sagot ko.
"Bryan, pumunta ka muna saglit sa office ko." Then he hang up.