C 3: Family Dinner

96 8 3
                                    

Dana POV

"Dana, kanina kapa nakatitig jan ah! Si JM ba yung tinititigan mo o si Kent?" Tanong ni Tricia.

"No, di sila ang tinitingnan ko, may iniisip lang ako."

Actually, kay Jm talaga ako nakatangin. Hmm para kasing familiar talaga sya e. Hindi ko lang maisip kung saan ko sya nakita or kamuka lang nya. Hay ewan!

Lately kasi bigla nalang nagpopop up yung muka nya sa isip ko, ewan ko ba. Siguro napanaginipan ko lang sya dati or nakasalubong lang sa daan.

"Hay!" Pailing iling ako.

"Naluluka ka na friend. Hahaha." Sabi ni Tricia.

"Matagal na. Haha."

Dumating na ang prof kaya bumalik na ulit si Tricia sa upuan nya. Mejo boring ang araw na to, puro discussion lang. Gusto ko na magbukas para naman may quiz.

JM POV

(Yun naman may POV ako. Haha)

I know Dana, hindi ako nagkakamali sya talaga yun. I have my reasons kung bakit di ko sya iniimikan.

First, natalo nya ako sa basketball nung mga bata pa kami. Second, napahiya ako noon dahil sakanya. And lastly, sinira nya yung paborito kong laruan na regalo pa sa akin ni Mom.

I know sasabihin nyo para laruan lang yun, but it's important to me. Because that toy she broke was the last gift i had received from my Mom before she passed away.

* Flashback *

We have family dinner pero nung makita ni Dad at Mom yung Javier family e tinawag nila ito at pinapwesto sila sa table namin.

"Kumusta kayo sa paglilipat nyo?" My Dad asked Mr. Javier.

Bagong lipat kasi ang family ni Dana sa subdivision namin.

"Ayos naman. Mababait ang mga tao." Sagot ni Mr. Javier.

My mom and Dana's mom are chatting while I and Dana are quite. Syempre di naman kami nasali sa usapan ng matatanda.

"Jan, makipagfriend ka kay Dana." Mom said.

"Yes mom." And i smile.

"Hi Dana." Bati ko sakanya.

"Hello." Nakangiting bati nya sa akin. She's cute.

"What's your real name?" Sabi ko.

"My name is Dana Leah Javier. Ikaw?" Cute name.

"Just call me Jan."

"Your name is Jan, can i call you Jajan?" Sabi niya.

"Sure, but i'll call you Dadan. Para same tayo."

"Sige sige." Masigla nyang sabi.

* end of flashback *

Ang laki ng pinagbago nya. Tahimik nya ngayon at mukang nagdalaga na. Hindi na sya tulad ng Dadan noon na maingay, laging nangaaway at mejo boyish. Muka ngang hindi na sya nakakashoot ngayon ng bola dahil mukang mahinhin na sya.

* Flashback *

"Hoy Jajan! Tara sa court maglaro tayo ng basketball daliiiiii!" Sigaw nya sakin.

7 years old palang kami. Laging nakapuyod ang mahaba nyang buhok, malaki manamit at laging nakarubber shoes.

"Oo na saglit lang." Nagsapatos na ko at nagpunta kami ng court ng subdivision.

"Lagi nalang ikaw ang panalo e!" Siga nya saakin.

"Galingan mo kasi." Sabi ko.

Kahit anong gawin nya di nya ako matalo.

* end *

Hay! Kumusta na kaya sya? Kakainis naman kasi siya e. Hindi ko talaga makalimutan yung mga ginawa nya bago kami lumipat ng bahay.

Dana POV

"Tricia, tara sa canteen kain na tayo. Gutom na ako eh." E kasi naman kung kelan tapos na ang dictation tska naman sya nagsusulat.

"Wait lang naman" habang nagmamadaling masulat.

"Tamad tamad kasi eeeee." Napapakamot na ko sa ulo.

"Ok ok. Taralets na! Yung buwaya sa tyan mo e nagaalboroto na e. Haha."

"Ewan sayo!"

Tinawanan pa ko. Nagpunta kami sa canteen. Nagorder at nagbayad. Tagal namang iserve ng pagkain namin e, kanina pa ko gutom.

Maya maya pa ay tinawag na pangalan namin ni Tricia, sign na pede na naming makuha yung order namin. Sa wakas!!

"Ate, di ko po order tong graham cake." Sabi ko kay ate na nagserved ng order namin.

Favorite ko ang graham cake. Pero wala naman nito sa menu kaya alam ko na wala akong order nun. Tska wala naman sa binayadan ko.

"May nagpapabigay po kasi nyan."
Sabi no ate.

"Sino daw po?" Tanong ko.

"Di ko po alam e, ako lang po kasi ang taga serve dito. Itanong mo nalang po sa tao sa kitchen. Sige po enjoy your meal." At umalis na si ate.

Hmm. Kanino naman kaya galing to? Pero mukang masarap. Haha

"Yieee. May secret admirer. May pagraham graham cake pang nalalaman." Pang-aasar ni Tricia sakin.

"Ewan sayo! Di ka makakatikim nito. Hahaha. Pero wala kabang alam about dito?" Tanong ko.

"Wala e. Pero i think kakilala mo lang nagbigay nyan. Alam na paborito mo yan e." Sabi ni Tricia.

Wala naman akong maisip na kakilala ko sa dito din napasok na may alam sa mga paborito ko.

Iilang tao lang naman nakakaalam sa mga paborito ko e, si Mommy, Daddy, si Nanay Elen (kasambahay namin) at Tricia lang.

Si Jajan pa nga pala. Nasaan na kaya sya ngayon? Hay! Ewan sakanya basta galit ako. Wag na syang papakita sa akin. Kainis sya!

---+++-+++-++----+--+--

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon