C19: Outing Part 2

48 6 2
                                    

"Dana, okay kana?" Tanong ni Kris.



"Medyo."



Pano ba naman kumain lang ako ng lumpiang gulay pinangathan na ko, namula tas makati mata ko tapos puro pantal ang buong katawan ko. Sure naman daw na walang hipon yung lumpia dahil may ilan din kaming kasama na allegic din sa hipon. Kaya hindi ko alam kung bakit lumabas ang allergies ko.


"Sure ka bru? Yung mata mo kasi mapula para kang nagadik. Tas para kang namaga dyan." Sabi ni Rox.



"Oo na! Panget na." Sabi ko. Kainis! Di tuloy ako makalabas, medyo matagal pa naman bago mawala 'to kahit nakainom na ako ng gamot.



"Yung lumpia lang naman yung kinain natin kanina eh, tapos sure naman daw si Robi na walang hipon yun dahil ibinilin nya talaga sa gumawa na wag lalagyan ng hipon."-Kris



"Tska allergic din si Frank at Angela eh bakit hindi sila nagkaganyan? Nako baka naman may nanadja."-Rox




"Wala naman siguro. Hayaan na natin." Sabi ko. Ayaw ko lang na mamintang baka kasi mapasama pa kami.




Mariz POV


Mabuti nga kay Dana. Yes! Ako ang gumawa nun. Madami pala syang allergies ha. Hahaha. Kaya nga nung nalaman ko na nagrerequest yung mga classmates namin ng lumpiang gulay naisipan kong lagyan ng hipon yung para kay Dana.



*flashback*



"Ui Robi lumpiang gulay naman dyan!" Request ng mga kasama ko.


"Sige sige! Specialty yun ni Manang Des."



Sinundan ko si Robi sa kusina at kinausap nya si Manang Des na wag daw lalagyan ng hipon dahil may mga allergic daw na mga kasamahan kami at isa na dun si Dana. Pag-alis ni Robi nilapitan ko si Manang.



"Hi manang, gagawa po kayo ng lumpiang gulay? Pwede po akong tumulong?" Sabi ko.



"Wag na po Ma'am, nakakahiya naman po." Sabi nito.



"Okay lang po, gusto ko po talagang tulungan kayo." At pumayag naman sya.



"Manang, ako na po ang gagawa ng para kana Kris mahilig po kasi sila sa mas maraming carrots eh." Sabi ko.

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon