"Oh where do we go next?"-Bryan
After ko sana magsimba ay pupunta ako kay Art para ikwento sa kanya ang mga nangyari nung mga nakaraang araw. Pero dahil kasama ko si Bryan, siguro ay sa susunod nalang. Ayaw ko pa din kasing pag-usapan ang nagyari kay Art, tama na munang mga kaclose ko ang makaalam nito.
"Hindi ko alam." Sagot ko.
"I thought may dadalawin ka, you said it earlier." Pagtataka nya. Pero hindi muna ngayon dahil kasama ko sya.
"Wala na. Tska nalang ako dadalaw. Saan mo gustong pumunta? Para masamahan kita." Sabi ko. May pagtataka sa mukha nito.
"I don't know where to go." Sabi nya. Bakit pa nya ako tinext at tinawagan kung free ako today kung hindi naman pala nya alam kung saan kami pupunta. Hindi ko tuloy madadalaw si Art.
"Akala ko naman ay may pupuntahan ka at magpapasama ka sa akin dahil tinext at tinawagan mo pa ako kung free ako ngayong araw." Sabi ko. Mahinahon lang ako dahil Boss ko pa din naman sya. Tska sa akin sya ibinilin nina Sir, mabait ang mga iyon sa akin kaya dapat kong sundin ang ibinilin nila. Napabuntong hininga naman si Bryan. Kaya napatingin ako.
"Sorry. Hmm. Pero gusto ko sana maglaro ng basketball, are you playing basketball? Oh gosh! You're a girl, why I'm asking you..." Mukha itong nasstress. Napangiti naman ako, dahil matagal na akong hindi nakakapaglaro dahil busy na din si Kuya Abham sa trabaho nya, iyon lang naman ang nakakalaro ko.
"Why are you smiling?" Naiiritang tanong nya. Napangiti naman ulit ako dahil para syang batang nagmanaktol.
"What?" Iritang irita na sya.
"Don't shout! Tara na!" Sabat ko.
"Where?" Sigaw pa din nito. Hindi mawala ang kunot ng noo nya. Hahaha.
"Magbabasketball po. Diba inaaya mo ko maglaro so tara na!" Tumingin ito sa akin, parang nagtataka sa mga sinasabi ko. Nawala na din ang pagkunot ng noo nya.
"Ang bagal namab oh! Start the engine SIR. Magbabasketball pa tayo." Sabi ko. Diniin ko pa ang salitang Sir.
"Don't call me Sir." Pagsusungit nito at pinaandar na ang sasakyan nya. Hindi na ako nagsalita baka magalit pa sya.