Matapos ang klase ay inayos ko na agad ang mga gamit ko at nag-ayos. Hinintay naman ako ni Jm dahil sabay na kaming pupunta sa Cafe dely.
"Tara na!" Tapos na kasi ako.
"Tara! Ano sasakay pa ba tayo o lalakadin nalang?" Dahil sa kabilang kanto lang naman, siguro lakadin nalang namin.
"Lakad nalang."
"Sige. Para makapag-usap pa tayo." Nakangiting sabi nya.
Palabas na kami ng gate nang makita ko ang dalwa kong kaibigan na binigyan ako ng mapanlokong tingin at pangiti ngiti pa. Nakatanggap ako ng text galing kay Rox.
From: Rox
Yiiieee. Kaya naman pala ayaw sumama samin ay kasama pala ang kanyang ultimate crush. Pero ok lang naman samin, basta masaya ka. Ayieee. Date. Hahaha
Mga baliw talaga ang mga ito, date daw agad. Hindi ba pwedeng parehas lang kami ng pupuntahan kaya nagsabay nalang kami.
To: Rox
It's not what you think. Mga baliw! XD
"Sino yang katext mo?" Kasama ko nga pala sya. Haha.
"Si Roxan." Nginitian ko sya. Ayaw kong malaman nya na kaya ako tinext nito ay dahil niloloko ako sa kanya.
"Ah. Magkwento ka naman." Sabi nya.
"Ano namang ikukwento ko sayo?" Natatawang sabi ko.
"Kahit ano." Sabi nya.
"Hmm. Sige na nga. Ano ba? Hmmm. Alam mo may childhood friend ako before, ang cute cute lagi ko syang kalaro kahit nga basketball eh kaya sports ko ang basketball, kahit ng lalaki yun natalo ko sya one time eh at yun yung last na laro namin." Haaay! Jajan.
"Bakit? Nasaan sya?" Tanong ni Jm.
"Hindi ko alam. Lumipat sila eh. Lagi kaming nagpapagawa kay mommy ng graham cake kasi favorite ko yun, kahit nagsasawa na sya kumakain pa di sya pero yung muka nya nakasimangot na pinipilit ngumiti. Haha. Nakakamiss si Jajan."
"Dadan." Mahinang banggit nito sa bigay na pangalan ni Jajan sa akin. Tumingin ako sakanya.
"Ha? Bakit Dadan?" Tanong ko.