C20: Application

48 7 1
                                    

Tulog na ang halos lahat ng mga kasama namin, nandito kami sa salas at nagkukwentuhan. Napag-usapan namin na magpapasama kami ng resume sa company ng Tita ni Mariz dahil madami daw ang kailangan.



"Anong company?" Tanong ni Robi.



"IT Company, kailangan kasi nila ng Admin and Marketing personnels. Kaya sabi ni Tita sabihan ko daw ang mga friends ko." Paliwanag ni Mariz.



"Maganda yun ah! Tamang tama hindi na tayo mahihirapan makahanap ng job." -Kent



"Yun nga! Kaya kung willing kayo ipasa nyo sakin yung mga resume nyo or e-mail nyo nalang Curriculum Vitae nyo sa akin, ako na ang bahala."-Mariz



"Oh sige!" Pagsang-ayon namin.



Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga nangyari noong napasok pa kami, sa mga nakakatawang ginawa ng mga profs. Yung mga kalokohan namin, nakakatuwang isipin na nalampasan na namin ang isa pang milestone sa buhay. Ang makapagtapos sa kolehiyo ay isang malaking achievement at ang magkaroon ng medal ay isang bonus. Ang mahalaga ngayon may medal ka man o wala basta marami kang natutunan at kaya mong iapply ang mga natutunan mo sa trabaho ay hindi ka mapag-iiwanan.



Nandito na kami ngayon sa kwarto, kasama ko padin ang mga kaibigan ko. Hindi pa ako dinadalaw ng antok dahil nakatulog ako kanina.



"Bru, magpapasa kayo kay Mariz?" Tanong ni Kris.



"Oo." Sabi ko.



"Ewan ko ba!" Sabi ni Rox.



"Bakit naman?" Tanong ko.



"Wala naman. Pero pwede din tapos mag-aapply din ako sa iba. Sama kayo?" -Rox



"Sige sige!" -KRIS



"Ako din." -AKO



Kinabukasan naghahanda na kami para sa pag-uwi namin. Kumain na ng breakfast at nag-ayos na ng mga gamit. Nag-aantay nalang kami sa sundo namin.



"Dana." Napalingon ako. Tinawag kasi ako ni Jm.



"Bakit?" Tanong ko.



CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon