C27:

44 7 3
                                    

"Hi Dana!" Nakangiting bati nito sa akin.





"Oh! Hi Mariz." Kasama nya si Jm. Nginitian ko din naman sya.





"Ipakilala mo naman samin ni Jm yung kasama mo." Tuwang tuwa sya. Anong meron?





"Hmm. Si Bryan, Bryan classmates ko nung College si Mariz at Jm." Pagpapakilala ko.





"Nice to meet you." Sabi ni Mariz. Nagtanguan naman ang mga lalake.





"Invited din pala kayo dito. Dito na kayo umupo sa tabi namin."-Mariz





"Sige. Representative lang kami ng MDC." Sabi ko.





"Ah. Kami din ni Jm. Akala ko boyfriend mo. Hihi."-Mariz





"Nako hindi." 




Natigil ang pag-uusap namin nang magsimula na ang talk. Apat lang kami sa lamesa, katabi ko si Bryan katapat ko naman si Jm. Hindi nga kami nagpapansinan ni Jm, hindi ko alam kung bakit. Namimiss ko na yung Jajan na maingay. Tumingin ako sa kanya, nakatingin ito sa akin at nag-iwas tingin.




Natapos ang pantatlong speaker, lunch na. Free lunch naman dito mismo sa Event Center kaya hindi nadin naglabasan ang mga bisita.




"Dadan, may hipon. Ito nalang kainin mo." Iniwas ni Jm yung plate na may hipon at inabot sa akin yung ibang ulam.




"Allergic ka Dana?" Tanong ni Bryan. Tumango ako.




"Oo pare, bawal sya sa seafoods." Sabi ni Jm. Hindi naman sya tinatanong.




"Thank you, Jajan." Ngumiti naman sya sa akin.




"Anong tawag nyo sa isa't isa?" Tanong ni Mariz.




"Dadan at Jajan." Sagot ni Jm. Hindi na ko umimik. Ipinaglagay ako ng rice ni Bryan.





"Why?" Halatang curious si Mariz.





"Childhood friend ko sa Dana. Kumain nalang muna tayo, lalamig na ang pagkain." Sabi nito. Biglang kumunot ang noo ni Mariz at kumain na. 


CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon