Halos busy ang lahat dahil Saturday na, kailangan magawa ang lahat ng orders na para sa Sunday at Monday morning.
"Dana, ipagprint mo naman ako ng pictures ng mga products natin kasama ang mga specs, dadating kasi maya-maya ang may ari ng Resty Food ang Beverage Inc."
"Sige po Sir."
Inayos ko na ang dapat ayusin, dahil malaking kumpanya ang makakaharap namin mamaya.
"Sir, ito na po yung flashdrive." Dahil nandoon na ang mga kailangan nyang ipresent mamaya.
Bakas sa mukha ni Sir ang kaba, kahit na sanay na sya sa pakikipagdeal pero iba na kasi ngayon, isa sa pinakamalaking stores ang Resty. May 50 stores ito sa buong Pilipinas, yun ay base sa huli kong research at meron din itong stores sa iba't ibang bansa. Kaya kung papalaring maclose ni Sir ang deal mas lalong gaganda ang takbo ng business nito.
"Salamat. Dana, pumunta ka muna sa store natin sa may Eastwood dahil nandoon si Cecile. Pakikuha ng monthly sales report ng bawat stores natin. Pakidalian nalang dahil after lunch ay dadating na si Mr. Resty."
"Ok po Sir. Alis na po ako."
10:30 palang naman. Agad akong bumaba ng building, mahirap na baka matraffic pa baka malate ako lagot ako nito kay Sir.
"Ma'am Dana! Gatas po."
"Salamat." Dahil hindi naman ako makakapagbreak, ito nalang gatas.
Sa dami ng natawag sa akin sa phone hindi ko man lang nainom ang gatas ko, pababa na ako kaya mamaya nalang siguro pagpabalik na ako sa office. Huhu. Kawawa naman ako.
Nang papasok na ako sa store may nakabangga akong matandang lalaki at laking gulat ko natapunan sya ng gatas na product ng MDC, malamang galing sya sa store ng MDC eh. Hay! Baliw ka Dana.
"Sir, sorry po di ko sinasadya. Inyo nalang po itong sa akin." Babye milk ko.
Tumalikod ito at bumalik sa loob ng store, naupo sya sa may dulong upuan. Kaya sinundan ko sya, nako baka galit sya eh. Huhuhuhu. Ang malas ko naman ngayon!