We're on our way to Tagaytay. Madilim na, ngayong kami umalis dahil bukas ng 8am ang start ng Convention. Maraming successful businessman ang magtatalk, kaya kailangan talaga naming makapunta. Piling company lang ang pinaunlakan nila.
"You may take a sleep." Mahinang salita ni Bryan. Pagod din kasi ito dahil maraming pinagawa si Sir Migs sa kanya.
"Okay lang. Ayaw kong matulog." Sabi ko.
Tumango sya. Sa totoo lang pagod nadin naman ko, ayaw ko lang na natutulog ako at sya ay gising kita din naman sakanya na pagod sya tapos nagdidrive pa sya ngayon.
"Bryan, kwentuhan mo naman ako." Sabi ko, kokonti lang kasi ang alam ko sakanya.
"About?"
"Anything. Yung mga gusto mo lang ishare." Sabi ko.
"Hmmm. Wala ako maisip eh. Ikaw nalang kaya magkwento, para naman hindi ako antukin sa byahe."
"Ang daya naman. Ako unang nagpapakwento eh." Pagmamaktol ko.
"Only son lang ako, Tito Migs and my Dad they're siblings. My Dad passed away when I was in High School, kaya pumunta kami ni Mom sa US. After nun hindi na ulit nag-asawa si Mommy, but I insist to date him other guy that makes her happy pero ayaw nya. Nakamoved on na din naman kmi, pero syempre nakakalungkot pa din. Si Tito Migs and Tita Cecile naman hindi biniyayaan ng anak kaya parang anak na din ang turing nila sakin." Natigilan ako. Akala ko kasi ayaw nya magkwento.
"Sorry." Sambit ko.
"Wala ka namang kasalanan. Oh ikaw magkwento ka naman." Sabi nito.
"I had a boyfriend. He was my boy best friend since high school, lagi syang nagcoconfess ng feelings nya towards me, but I always turn him down wala pa kasi sa isip ko nun na magboyfriend. Nung college kami ganun pa din, and then one time sinumpong sya ng sakit nya madalas syang nasa hospital. Nakiusap yung Mom nya na sagutin ko sya, dahil alam naman nya na may gusto sa akin ang anak nya baka daw makatulong iyon na humaba pa ang buhay nya at pumayag magpaopera. Ginawa ko yung hiling nya, not just for Tita Angie but also for her son na best friend ko. Naging kami. Hindi naman sya mahirapa mahalin kaya nang magtagal ay alam kong hindi na ako nagpapanggap lang. Mahal na mahal ko sya. Pumayag syang magpaopera but still tinaningan pa din ang buhay nya." Naiiyak ako habang kinukwento ko ang buhay namin ni Art.
Hindi ko alam kung bakit nakwento ko iyon. Kahit nga kana Mommy hindi ko na masyadong inoopen up dahil nasasaktan pa din ako, iyon ang dahilan kung bakit ayaw kong ikwento sa iba.