C21: Work. Work. Work.

47 7 1
                                    

Nalaman kong natanggap na din sina Rox at Kris sa Company ng Tita ni Mariz, pati nadin sa Jm. Ako naman ay nahiwalay sa kanila. Hindi din naman ako tinawagan ng Company na yun siguro ay nakalaan talaga ko para sa MDC.


Inihanda ko na ang report ni Sir Migs. Inayos ko na din ang schedules nya ng mga meetings. Nandito din si Ma'am Cecile, tinutulungan si Sir sa trabaho nito.

Ilang linggo palang ako pero ramdam ko na ng hirap, pero naeenjoy ko ang pagtatrabaho dahil mababait ang mga katrabaho ko pati nadin ang mga boss ko. Lahat ng nasa marketing ay kaclose ko, nandun sina Lory at Chary. Balita ko pa nga ay dadating daw ang nag-iisang pamangkin ni Sir Migs na galing US, at dito daw magtatrabaho. Ang balita pa ay gwapo daw ito, may lahi daw kasi ang ina nito na british.


"Dana, kumain ka muna. Ilagay mo muna yan jan at sumabay kana sa akin kumain." Sabi ni Ma'am Cecile.

"Sige po."

Dito lang kami nakain sa office, tumabi na din si Sir kay Ma'am at kumain. Ang sweet nilang tingnan.


"Dana, ipapakilala talaga kita kay Bryan." Sabi ni Ma'am.


"Sino po iyon?"

"Pamangkin ni Sir Migs mo, ang gwapong bata nun. Bagay kayo." Pagbibiro ni Ma'am.


"Sayo ko pala pasasamahan si Bryan sa pagbabakasyon nya dito, bago sya magtrabaho." Sabi ni Sir.


"Eh pano po trabaho ko dito?"


"Kami na ang bahala. Madaming pwedeng gumawa ng gawain mo dito, tska hindi naman laging aalis kayo."



"Kayo po ang bahala."


Pagkatapos kumain ay back to work na, pumunta ako sa marketing department para icheck kung okay naba ang mga idedeliver at yung mga POs ng customers. Isa din kasi sa trabaho ko ang icheck araw-araw kung namemeet ba ang demands ng mga customers.



"Good Afternoon Ma'am Dana, dumami pa po ang POs ng Cafe de Silvia."


"Madadalhan ba sila? Kumusta ang production?"


"Opo Ma'am, madami naman pong excess."


"Ok, pero hindi ba mababawasan ang stock sa stores natin?"


"Yun nga lang po Ma'am medyo mababawasan po. Pero sa next process naman po ay mababalik na ulit yung mga mababawas ngayon."


"Sya sige. Pagganyang dumadami na ang orders ng mga institutions padagdagan mo na ang PO ng raw milk. Kung maari ay huwag nang ibenta ng farm sa iba ang raw milk."


"Sige po Ma'am."


Ang MDC kasi ay may 5 farms na pinagkukuhanan ng gatas ng baka. Ang mga products ng MDC ay raw milk, fresh milk, choco milk, yoghurt with various flavors, cream and cheese. Isa ito sa malalaking kumpanya na kalaban ng Nesle (gawa-gawa lang ni Author.).


Dahil pay day, matitikman ko na din ang unang sahod ko! Finally! Pero dahil first salary, dretso kay Mommy ito. May allowance naman ako para sa damit kaya hindi ko na kailangan pa muna ng pera. Umuwi kaagad ako pagkatapos ng trabaho ko, hindi na muna ako nagOT dahil sabi ni Ma'am magbeauty rest daw ako dahil bukas ay pupunta na yung pamangkin nila. Hindi ko ba alam kay Ma'am at excited ipakilala sa akin.


*bzzzt.. bzzzzt..

From: Rox

Pay day! Libre! Hahaha. Jk. Ano kita-kita tayo? Shopiiiiing!

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon