Dana POV
Paguwi ko tinanong agad ako ni Mommy kung bakita daw di ako hinatid ni Art. Sabi ko nalang na mas nauna akong lumabas.
Umakyat agad ako sa kwarto. Humiga. Wala talaga ako sa mood ngayon, buti dumating na yung pinaload ko matetext ko nadin si Art.
To: BBF-Art
Ui.. Bakit di mo ako hinintay? Pinuntahan pa naman kita sa building nyo.
Sent.
Hindi nya ako nireplyan. May problema kaya sya? Hindi ako mapakali dahil inaalala ko yung sakit nya. Kanina ko pa sya tinatawagan pero di nya sinasagot.
"Mii, papaalam sana ako sayo pupunta lang ako kana Art. Di nya kasi sinasagot mga tawag ko baka napaano na yun eh."
"Sige anak. Kung may problema man tulungan mo syang ayusin yun ha! Ingat ka."
"Opo Mii."
Nagmadali na akong lumabas ng bahay at naglakad palabas ng subdivision, malapit lang naman sa gate ng subdivision ang bahay namin.
Sumakay agad ako ng jeep. Malapit lang naman ang bahay nila pero kung lalakadin medyo malayo.
"Para po."
Pagkahinto ng jeep agad akong bumaba. Nakita ko yung pinsan ni Art.
"Vince, nandyan ba si Art?"
"Ui Dana, oo kanina pa. Bakit?"
"Wala naman. Ge puntahan ko muna."
Nagdoorbell ako. Yung katulong nila ang lumabas.
"Ma'am Dana pasok po. Si Sir Art po ba?" Sabi ni manang Lucy
"Opo."
"Nasa taas po sya."
Gets ko na agad ang sabi ni Manang na nasa taas, hindi sa kwarto nya kundi sa pool nila sa roof top. Favorite spot ko din kasi yun sa bahay nila.
"Art?"
Nakatayo sya at nakaharap sa garden nila sa baba. Nakatalikod sya sa akin.
"Galit kaba? Bakit di mo sinasagot mga tawag ko?" Nakatalikod pa din sya.
Lumapit ako sakanya. Tumingin sya sa akin. Parang ang lungkot lungkot nya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Wala naman. Sana di ka na pumunta napagod ka pa tuloy. Ok lang naman ako, nasa room ko kasi yung phone ko kaya di ko nasagot mga tawag mo."
"Eh bakit di mo man lang ako sinabihan na uuwi kana agad, akala ko pa naman sabay tayo."
"Sorry ha! Nagtext kasi si Annie pinakuha sa akin yung project nya for her last subject, alam mo naman yun demanding."
Si Annie ay younger sister ni Art, 2nd year highschool kaya sa ibang school napasok.
"Ah ok. Pero kung may nagawa man ako sorry ha! Di ko talaga maalis sa isip ko na gawa ko eh."
"Ano ka ba? Ok lang yun. Ihahatid na kita baka hinahanap kana ni Mii."
Haaayyy! Nakahinga ako ng maluwag dahil nalaman kong iyon lang pala ang dahilan kaya nya ako iniwan sa school at kung bakit hindi nya nasasagot ang mga tawag ko.
Art POV
Nagsinungaling ako. Oo. Mahirap iblame ang isang tao na alam mong wala ding patutunguhan. Nasa bulsa ko lang ang phone ko, sinilent ko kasi baka di ko mapigilan at masagot ko ang tawag nya. Di ko alam na pupuntahan nya ako dito, pero ang saya ko! Nalaman kong concern din pala sya sa akin.