Dana POV
"Ok class see you tommorow."
Yey! Awas na din sa wakas, kaantok naman kasi, history pa ang last subject. Tapos yung prof pa e mukang inaantok. Nakakahawa tuloy.
"Dana!"
Psss. Sabi na e si Art yun, pinuntahan ko sya sa labas ng room.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagmamataray ng pabiro.
"Taray! Nandito po ako para sunduin ka. Masama po?" Eeee. Haha.
"Tara na nga! Saan tayo?" Alam ko namang gagala kami.
"Mall tayo! Arcade." Excited na excited ang mokong.
"Tara!!! Basta libre mo ha!"
Sabi ko habang natakbo palayo."Wag mo naman akong iwan." Hinabol naman nya ako.
Haha. Grabe namiss ko 'tong mokong na 'to e. Tagal na naming di nagala.
"Oh sprite."
Tuwing gagala kami lagi nya akong binibigyan ng sprite, favorite daw nya kasi. Kaya naman pagginagabi ko noon at may dala akong can ng sprite alam na kaagad ng parents ko na si Art ang kasama ko.
"Art, kuhanin mo naman si Taz." Sabi ko. Favorite ko sa Tazmanian Devil e.
"Sige. Try ko." Yieee. Di kasi ako nakakakuha dun sa toy catcher e.
"Oh, si elmo ang nadala eh. Haha."
:( "sige na nga. Yan nalang." Sabi ko. At kinuha si elmo.
Ang dami na kasi nyang nauubos na token eh. Hayaan na nga nexttime na lang.
"Tara kain muna tayo, tska tayo umuwi." Aya ni art.
Mcdo!! Favorite naming kainan.
"Oy kumain ka ng kumain, payat mo na oh!" Sabay abot ng burger at fries.
"Taba ko na nga eh. Wag kang magalala uubusin ko yan. Haha."
Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Hinatid na din nya ako sa bahay, may motor naman kasi sya kaya madali kaming nakauwi.
"Oh anak akala ko 5pm ang awas mo?" Sabi ni Dad.
Tinaas ko yung sprite.
"Umuwi na si Art?" Tanong ni Mii.
"Opo Mii, sa St. Claire na din sya napasok. Engineering po." Sabi ko. Umupo muna sa salas.
"Aba nga naman, may pag-asa ba ang manok ko?" Sabi ni Mii.
"Mii naman. We're just best friend." Manok ang tawag ni mommy dun e, kasi pambato daw nya yun.
"Bata pa yang anak ko." Sabi ni Dad.
Kaya naman Daddy's girl ako e."Haha. Oh yan Mii ha. Bata pa ko, wala munang boyfriend dapat."
Umakyat na ko, nakikipagtalo pa kasi Mommy na pede na daw dahil college na naman ako. Haha. Bagets talaga ni Mii.
JM POV
Bakit ba sobrang close nila ni Dana? Nagdate pa! Boyfriend nya ba yun? Hay! Di talaga ako mapakali after nung makita kong sinundo nya si Dana sa classroom kanina.
Siguro nga dapat ko nang tigilan si Dana. May boyfriend na sya eh. Bakit nga ba natingin pa ko sa iba e nandito naman si Shane. Alam kong may crush sya sa akin.
Art POV
Lagi nalang akong busted kaya Dana. Tuwing sinasabi kong gusto ko sya lagi nalang sinasabing "syempre bestfriend tayo eh".