C31:

40 6 5
                                    

Arrgg! Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Jm. Nandito ako ngayon sa kwarto at paikot ikot sa kama habang nakahiga. Ang walanghiyang iyon pinagtawanan ako.



"Bigyan na natin sila ng apo." Natigilan ako sa sinabi nya. Hinawakan nya ang bewang ko, nakatitig sya sa akin, papalapit na ang mukha nya. Awtomatiko namang pumikit ang mga mata ko. Ilang segundo akong naghintay na halikan nya ako, pero wala pa din. Nagmulat ako ng mata at lumayo sya.



"Wahahahahahaha. Dadan! Ang epic ng mukha mo. Hahahahaha. Uiiii gusto ng kiss ko." Arrrggg!



Sa sobrang inis ko tumalikod ako sa kanya at tumakbo papunta sa kwarto ko.



Nakakainis! Napahiya ako. Huhu. Bakit nga ba ko nagantay na halikan nya ako, kainis. Halata na nya na may gusto ako sa kanya. Tapos gutom na ako ngayon hindi naman ako makababa dahil baka nandun sya, nahihiya talaga ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.



*bzzzzzt... bzzzzzt...
Incoming Call
•Bryan Mortera


"Hello?"


"Hi, kumusta?"


"Ayos lang. Napatawag ka?"


"Wala naman. Sige bye, call you later. I just checking you."


Pinatay din nya agad ang tawag. Mabait si Bryan, gentleman. Pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Naalala ko pa nung nagtapat sya sa akin.



Pagkatapos ng trabaho ay papunta ako ngayon sa De Moore Restaurant pinapapunta kasi ako ni Tita, yung mommy ng Bryan. She wants to talk to me kaya naman hindi ako tumanggi. Nang makarating ako parang sarado naman pero dahil may guard pumunta pa din ako.



"Ma'am ikaw po ba si Ms. Dana Javier?" Tanong ni Manong Guard nung papalapit ako.



"Opo." Sagot ko.



"Pasok po kayo Ma'am."


Pagpasok ko nakita ko kaagad ang isang table na may nakahandang pagkain. Pero wala naman si Tita. Nang makalapit ako biglang lumabas sa si Bryan sa cr ata iyon.



"Oh Bryan, nasaan si Tita?" Tanong ko.


"She's not here."


"Ha?" Pero si Tita kasi talaga ang nakausap ko sa phone.



"Wala sya dito." Prenteng sagot nito.

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon