C12: Crush kita

54 7 2
                                    

Malapit nang matapos ang school year, 2nd year na kaagad kami ang bilis talaga ng panahon. Naalala ko noon kinakabahan pa ako tuwing magpepresent sa harap ng mga classmates ko pero ngayon tinatawanan nalang namin ang isa't isa kapag may nagkakamali. Lahat close na kahit may kanya kanyang grupo, may all girls na maarte, may all girls na maingay at kalog, may all boys na maingay, astig at sakto lang at meron ding magkahalo ang girls at boys at syempre kaming tatlo nina Rox at Kris.


Last day ng school year kaya naman may program sa school, may mga booth ng pagkain at kung anu-ano. Every end of school year may ganito daw talaga.


"Bru!! Nuod tayo ng program sasayaw daw sina Jm." Sabi ki Kris.


Kasali kasi si Jm sa official dance group ng school. Eh kasi magaling naman talaga syang sumayaw, no doubt na matatanggap sya.


"Sige, puntahan ko lang si Art ha! Mamaya pa naman daw yun." Sabi ko, nagpatulong kasi kay Art yung president nila kaya hindi kami magkasama ngayon.


"Sige! Dito nyo nalang kami puntahan ha bago kayo pumunta sa auditorium." Bilin ni Rox.


Tumango ako at nagsimula nang maglakad, sa building nila ako pupunta dahil yun ang sabi nya sa akin. Ang daming estudyante ang nasa labas ngayon, may color coding pa ang bawat department. Yellow ang sa amin, pink naman ang kana Art. Habang naglalakad ko sa field, mas malapit kasi kung dito ako dadaan, nakita ko si Jm hindi ko alam kung saakin ba sya patungo.


Papalapit sya ng papalapit kaya naman medyo napapabilis ko ng lakad. Nooooo! Baka makita kami ni Art at magselos yun.


"Dana!" Tawag ni Jm.


"Ha? Ui Jm kaw pala, bakit?" Di ako mapakali, patingin tingin ako sa paligid baka nandito si  Art.


"Hmm, sasabihin ko lang na manuod ka ng sayaw namin mamaya. Sige ingat!" Sabi nya tska lumayo.


Di na nya ako pinasagot at umalis na. Maya-maya pa ay nakasalubong ko na si Art, siguro nakita nya sa Art kaya lumayo na din sya.


"Babe, si  Jm yun diba? Anong sabi nya sayo?" Inakbayan nya ako.


"Ah, oo si Jm nga. Manuod daw tayo ng sayaw nila." Sabi ko. Totoo naman sinabi nya yun.


"Ah. Oo nga nu! Tara panuodin natin!" Yaya nya.


Naglalakad na kami papunta sa gym dahil dun ko iniwan sina Rox para sabay na kami pumunta sa auditorium.


"Rox! Kris!" Tawag ko. Busy sila sa panunuod ng basketball.


"Oh Dana, hi Art!" Bati nila.


"Tara na sa Auditorium." Sabi ni Art.


Talagang si Art pa ang nag-aya, akala ko magseselos sya yun pala hindi pero mas ok na yun para hindi din makaapekto sa sakit nya.




Art POV


Hindi dapat ako magselos dahil alam kong ako ang mahal ni Dana, natural naman sa tao ang magkacrush o humanga sa ibang tao kahit na may karelasyon ito. Naiintindihan ko na madaming nagkakagusto sa kanya pero ang mahalaga nasa akin sya.



Jm POV

Nanuod sya. Nanuod ang crush ko, kasama ang boyfriend nya. Dapat maging masaya ako dahil kahit ganun ay pinanuod nya ako. Nakangiti sya habang nanunuod, ang ganda nya talaga.


After naming magsayaw sinalubong ako ng mga classmates ko kasama sina Dana, hindi nya kasama si Art.


"Jm! Congrats ang galing mo!" Bati ng mga classmates ko.


"Thank you!" Sabi ko.


Lumapit ako kay Dana, sobrang ingay grabe! Siguro dahil last day na ngyon kaya nagsasaya ang lahat.


"Crush kita." Sabi ko kay Dana.


"Ano?" 



"Wala." Sabi ko. Ngumiti ako at tumalikod na.




Dana POV


Nagpaalam si Art na pupunta lang sya sa mga kadepartment nya, pumayag naman ko. Papunt din kasi kami nina Rox at Kris sa mga classmates namin. Lumapit sa akin si Jm.


"Asdffhjl." Sabi nya.



"Ano?" Hindi ko kasi narinig dahil sobrang ingay.



"Wala." Ngumiti sya at tumalikod.



Ano nga kaya yun?




•°°•°°•°°•°•°•°°•°•••°°••°°••°


CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon