C11: I love her

50 8 1
                                    

Art POV

Kakahatid ko lang kay Dana sa bahay nila pagkatapos namin kumain sa Mcdo. Sobrang talaw talaga nung babaeng mahal ko, hindi naman tumataba. Nakaupo ako ngayon malapit sa pool ng roof top namin. Naalala ko na naman kung paano ako pinakilig ng isang Dana Javier.

*flashback*

"Art." Pagmulat ko sya n kaagad ang nakita ko. Nakangiti sya at mukang nag-aalala.

Hinawakan ko ang kamay nya, hinawakan din nya ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita dahil nanghihina pa ako, tinurukan na naman siguro ako.

"Art, magpagaling ka ha! Alam mo pag nakalabas ka dito may aaminin ako sayo." Nakangiti sya.

Ano naman kaya ang aaminin nya sa akin? Bakit ba hindi ako makasalita. Arggggg!

"Kailangan mo nang magpagaling ha! Basta promise paglumabas ka na dito....." nag-isip pa sya ng sasabihin nya. Nakakatawa talaga 'tong babaeng ito.

"Hmm. Wag na nga! Basta! Baka madulas pa ako ngayon eh. Baka pagnalaman mo eh sumaya ka ng sobra. Hahahaha. Sige na di na ko dadaldal baka nayayamot kana naman sa kaingayan ko."

Hindi ako magsasawa sa kaingayan mo. Kahit na paulit-ulit kapang magingay okay lang sa akin. Mahal kita eh.

"Wag mo nga akong tingnan. Naiilang na ako Art ha!" Nakakatawa talaga sya pagnaiinis.

Ngumiti ako.

"Hala, bahala ka jan! Lakas ng trip mo." Umalis sya sa tabi ko at naupo sa sofa. Dinilaan ako. Hahaha. This girl, i love her.

After 3 days sa wakas pwede na akong lumabas. Inaayos na ni mommy ang mga gamit ko para maiuwi.

"Mom, where's Dana?" I asked mom. Bakit ngayon pa sya wala kung kailan makakalabas na ako.

"I don't know Son, maybe she's in their house kailangan din nya ng pahinga." Sabi ni Mom.

Sabagay lagi syang nandito simula nang maadmit ako, madalas dito na din sya natutulog. Puyat sya lagi. Kawawa naman ang Dana ko. Nasa kotse kami ngayon pauwi, hindi mawala sa isip ko si Dana. May sasabihin sya sa akin pagnakalabas na ako ng hospital eh.

Pagpasok ko ng bahay, may nakahandang spaghetti, sandwich at salad sa lamesa. May defication cake din.

"Welcome home Arthur" ang nakalagay sa cake.

May yumakap mula likudan ko, i know who is she. Humarap ako sakanya and i hug her back.

"Welcome home Art." Sabi nya.

"Thank you Dana."

"Oh sya! Kain na muna tayo." Kumalas ng yakap ni Dana.

"Mii, kayo po ba ang nagluto nito?" Tanong ko sa mommy ni Dana.

"Oo iho. Kain na tayo!" Sabi nya.

"Nako favorite ko ito eh lalo na pag ikaw Mii ang nagluto." Sabi ko. Totoo sobrang sarap nya magluto, the best!

"Nako nagseselos na ako." Sabi ni Mommy.

"Haha. Mom naman, specialty kasi iyan ni Mii eh ikaw cakes mo naman ang pinakamasarap ng cake." Sabi ko.

"Bolero!" Sabi ni Dana. Hahaha.

Ang dami kong nakain. Nandito ako ngayon sa rooftop kasama si Dana. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Dana nung nasa hospital pa ako.

"Ehem, ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" Tanong ko.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo dyan?" Pagmamaangmaangan nya.

"Sabi mo kaya nung nasa hospital pa ko. Tanda mo na?" Ngumiti sya.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"I love you Art." Sabi nya. Kumabog bigla ang dibdib ko. Parang ang bakla ko!

"Yeah i know! Syempre I'm your bestfriend." Sabi ko. Yun naman kasi ang lagi nyang sinasabi.

"No Art. I love you, more than that." Nakatingin ito sa akin.

"Ha?" Hindi malinaw.

"I love you Art." Paguulit nya.

"I love you too." Sabi ko.

"Yehey! Tayo na!" Sabi nya. Lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

"Ha? Tayo na?" Hindi maprocess mg utak ko mga sinasabi nya.

"Oo! I said I love you and you said you love me too, so I therefore conclude that we are couple. Hihihi." Sabi nya.

"Hindi mo ba ako binibiro?" Sabi ko.

"Muka ba akong nagbibiro, kung ayaw mo di wag!" Tumalikod sya sa akin.

Niyakap ko sya at bumulong.

"Mahal kita, gustong gusto kong maging tayo. Hindi lang talaga ako makapaniwala na tayo na nga."

After that, lagi na kaming magkasama hindi ko nadin nakikitang nagkakausap sila ni Jm. Mabuti na din kung ganoon dahil hindi ko kayang pigilan ang selos sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

*end*

Nakakatuwang isipin na yung dating beatfriend mo ngayon ay girlfriend ko na. Yung kilala nyo na ang isa't isa. Gusto ko syang makasama ng mas matagal pa, pero alam kong hindi na naman ako tatagal ng ganung katagal eh. Naisip ko na isang makakasagot ng problema ko ay ang magpaheart transplant, pero alam kong may chance na hindi na ako magising kapag nangyari yun. Haaaaayy

Dana POV

Kailangan kong mapapayag si Art na magpaheart transplant dahil iyon ang gusto ni Tita, napakarisky ng gagawi nyang ito. Lagi kong pinagdarasal na sana gumaling na sya.

Nandito kami ngayon ni Art sa garden namin, nakahiga ito sa damuhan habang ako ay nakaupo sa tabi nito.

"Dana, sa tingin mo? Magundergo kaya ako, heart transplant." Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Parang hindi pa ako handang pag-usapan to.

"It's up to you. Alam mo naman na kahit anong desisyon ang gawin mo nandito pa din ako, alam kong malakas ka kaya alam ko na malalampasan mo yan." Sabi ko na puno ng kaba sa dibdib.


"Kaya ko nga ba?" Tanong nya sa sarili.

"Kaya mo yan! Ikaw pa ba? Art, be positive." Sabi ko.

Bumangon sya at umupo sa tabi ko, niyakap nya ako. Walang umiimik sa amin, para bang ineenjoy namin ang katahimikan habang sya ay nakayakap sa akin. Ramdam ko ang paghinga nya ng malalim na para bang malalim din ang iniisip, alam ko na yung operation nya ang iniisip nya.

Unti-unti kong nararamdaman na nahuhulog na ako kay Art, hindi sya mahirap mahalin lalo na at highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Halos lahat ng galaw nya ay alam ko at ganoon din sya sa akin. Mabait si Art, sobra! Napakaalaga, na sya dapat ang inaalagaan. Ngayon alam ko ng hindi ako nagpapanggap dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya.


CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon