C38:

48 6 3
                                    

"Ready kana?" Tanong ni Bryan habang nakaakbay kay Jessy.


"Super!!" Nandito na kami ngayon sa NAIA kakababa lang.


Naglalakad na kami palabas, nakita ko kaagad si Mommy at Daddy na hinihintay ng pagdating ko.


"Miiiiii.. Daaaaaaa!" Niyakap ko sila ng napakahigpit.



"Anak, sobrang namiss ka talaga namin. Lalo kang gumanda ah!" Bati ni Mii.



"Ang baby girl ko." At niyakap ulit ako ng Dad.



"Dana, mauna na kami ni Jessy ha!" Paalam ni Bry.



"Ah sige! Ingat kayo ha!"


Nandito kami sa loob ng sasakyan, gustong gusto ko na makarating sa bahay dahil miss na miss ko na din ang aking kwarto.


"Sa ngayon magpahinga ka muna ha. Bukas nalang ang party, nasabi ko nadin kana Rox at Kris." Sabi ni Mii.


"Opo. Kumusta naman kayo habang wala ako?" Tanong ko.


"Ayos naman. Sobrang namiss ka lang talaga namin." Sagot ni Mii.


"Ikaw ang kumusta, nahirapan ka ba doon?" Si Dad.

"Ayos naman po, marami lang po talagang trabaho pero dahil kay Bry madali akong nakapagadjust."


"Akala ko talaga magiging kayo ni Bryan eh." Panunukso ni Mii.


"Hindi ka ba niligawan nun?" Tanong ni Dad.


"Niligawan po, wala lang po talaga akong nararamdaman sakanya." Sabi ko.


"Si Jm ba?" Si Dad. Waaaaah. Naman eh, hindi ako nagoopen kay Daddy ng mga ganun kasi nahihiya ako.



"Dad." Hindi ako makasagot. Parang teenager padin. Haha.



"Oh bakit? Akala mo hindi ko alam? Haha. Wala naman akong tutol dun, mabait na bata iyon eh at tska napakasipag." Sabi ni Dad. Boto sya! Hihi



"Opo Dad, dati pa po."


Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto, ang linis! Humiga ako kaagad at tumingin sa kisame, namiss ko anf kulay pink at green na kwarto ko. Nang hindi ko namalayang nakatulog pala ako.



Nagising ako ng alas tres ng hapon, nag-aayos sina Mii at Dad pati si Manang ng mga gagamitin bukas ng hapon para sa party. Next month naman ay pwede ng buksan ang restaurant na plano namin ni Art, ang draft nya na ibinigay sa akin noon ay syang pinagaya ko sa naggagawa ng restau. Iniisip ko pa kung anong magandang ipangalan dito.




Author's POV

Maaga pang nagpunta sina Kris at Rox sa bahay ni Dana dahil sa sobrang pagkamiss dito. Busy ang lahat sa paghahanda, darating din kasi ang mga kamag-anak nila mula pa sa Batangas at sa ibang parte ng Maynila.

"Dana, grabe iba talaga pag nag-ibang banda lalong gumaganda." Sabi ni Kris.


"Naman. Bakit kayo gumanda din kayo eh nandito lang naman kayo sa Pinas." Sabi ni Dana. Nagmatured na din kasi ang mga ito.


"Nako nagbolahan na tayo dito. Haha. Itetext ko na ang mga kakilala natin para makapunta mamaya." Sabi ni Rox. Nagsimula na syang natext at nagpost naman sa facebook si Kris.

Kahit na gusto ni Dana na sila-sila nalang ay ayaw pumayag ng dalawa. Kailangan daw ay bongga dahil nung nakaraang linggo ay hindi naman naicelebrate ang birthday ni Dana.

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon